^

Punto Mo

CCTVs, naging mata ng katarungan sa Percy Lapid slay

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAPADALI ang pagsuko ni Joel Escorial, ang uma­ming bumaril sa broadcaster na si Percy Lapid dahil sa mga CCTV surveillance footages. Nakatulong ito sa mga police investigators para masundan at kilalanin ang mga demonyong salarin.

Nakuhanan din daw ng CCTV ang pagmamanman ng grupo ni Escorial sa isang restaurant na malapit sa bahay ni Percy bago mangyari ang krimen. Nasa safehouse daw ang ibang mga kasangkot ngayon. Buhay pa daw sila!

Bukod sa nagkalat na CCTV at maliliwanag na ilaw sa pampublikong mga bangketa at kalsada ng Las Piñas City, nakatulong din ang dashboard mounted camera sa sasakyan ni Percy.

Dahil boluntaryo ang pagsuko ni Escorial, malamang na maging state witness ito na magdidiin sa mga sangkot sa pagpatay sa broadcaster. Kung magiging state witness si Escorial, hindi na ito dapat bigyan ng pabuya sa nakatayang P6.5 milyon sa sinumang makapagtuturo sa kriminal. Itinuro niya ang sarili kaya wala dapat pabuya, di ba?

Dahil malamang na makakalaya si Escorial kung magiging state witness baka naman mauso ang pagpatay ng tao at tuma­yong state witness kapalit ng kalayaan at milyones na pabuya. Walang dapat tanawing utang na loob ang pamilya ni Percy at mamamayan sa pagsuko, pag-amin at pagtuturo ni Escorial. Lalaya ang demonyo.

Pinangalanan ni Escorial ang tatlong nakasama sa operasyon pero hindi pa malinaw kung sino ang kumontrata sa kanila kabilang ang isang hindi pa pinapangalanang kasangkot sa krimen na nasa kulungan din. Hindi maliwanag kung saan nakakulong ang sinasabing kumontrata sa kanila at kung sino ang nagbayad ng P550,000 para patayin si Percy. Anim sila lahat, basta ang maliwanag ay si Escorial ang pumatay, period!

Mas bayani pang maituturing si Escorial kung hindi siya ang bumaril at nang mapatay si Percy ay lumutang siya at umamin na kasali siya sa grupo na kinontrata. Ayon kay Escorial, dahil lang daw sa kahirapan kaya niya nagawa ang krimen. Sabihin mo ‘yan kay Satanas, estupido!

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with