^

Punto Mo

Dilemma ni De Lima, nasa ika-5 yugto na

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

UNA ay niyurakan, nabastos at pinagtawanan ang pagkatao ni dating senador Leila de Lima habang iniimbestigahan sa kongreso. Pinagpista­han maging ang lovelife niya at driver na si Ronnie Dayan na naglaglag din sa kanya sa bandang huli.

Ikalawang siphayo ni De Lima ay nang idiin ito ni da­ting BuCor Director Rafael Ragos na dating tauhan nito. Ganundin ng mga kilalang miyembro ng drug syndicate sa loob ng BuCor na naka-jamming umano nito sa party dahil sa pagtanggap daw ng drug money na ginamit na campaign funds noong 2016 kung saan siya nanalo. Attorney, ang resibo?

Ikatlong dagok kay De Lima ay nang sibakin ito bilang chairperson ng Committee on Social Justice sa senado, habang kinakalkal ang mga lumang kaso ng Davao Death Squad. Pinalitan ni Dick Gordon hanggang sa ipaaresto ito at nakulong na nga. Walang rekomendadong piyansa ang korte sa kinasangkutan nitong kaso. Just-tiis lang muna, he-he!

Ikaapat na kalbaryo ni De Lima ay ang pagkatalo nito sa nakaraang 2022 elections bilang reelectionist na senador dahil hindi nakapangampanya. Nagkaroon na sana ng pag-asa si De Lima dahil bumaliktad ang mga star witness na sina Ragos at Sherwin pero nagkaproblema sa hindi malinaw na dahilan.

Ikalimang sintemyento ni De Lima ay nang ma-hostage ng miyembro ng Abu Sayaf sa detention cell sa Camp Crame. Napatay ang tatlong Abu Sayaf na nagtangkang tumakas. Hindi naman nagalusan man lang si De Lima. Suwerte pa rin!

Maraming haka-haka na diumano’y itatakas daw sana si De Lima ng mga napatay na Abu Sayyaf pero may nagsasabi naman na pinalalaki lang ang isyu dahil nabobokya na sa propaganda ang oposisyon. Tama ba Tekla?

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with