^

Punto Mo

Ginger (182)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAANO naalis ang takip na konkreto ng balon? Hindi basta-basta naaalis ang takip. Masyadong mabigat ang konkretong takip.

Mas lalong nagulat si Ginger nang tumunghay sa balon at nakita ang nasa ilalim niyon. Pawang mga bato ang naroon na kasinglaki ng tennis ball! At naalala ni Ginger na ang mga bato ay katulad na katulad ng mga tumamang bato sa mga lalaking lumapastangan sa kanya kanina. Hindi siya maaring magkamali!

Dito nanggaling ang mga bato! Pero malaking katanungan kung sino ang kumuha ng mga bato rito sa balon at ginamit sa mga lalaking gumawa nang masama sa kanya.

At walang ibang naiisip si Ginger kundi si Tatang Nado!

Muling sumilip si Ginger sa ilalim ng balon. Pawang mga bato ang naroon?

Naglaho na kaya ang mga mamahaling bato? Nawala na ang kayamanan nila na pinamana ni Tatang Nado.

Napaupo si Ginger sa ibaba sa may bunganga ng balon. Ngayon siya nakaramdam nang matinding sakit ng katawan, pagod at antok. Sumandal siya sa dingding ng balon.

Hanggang sa unti-unti siyang ­tinangay ng antok.

Hindi na niya namalayan ang pagdating ng isang lalaki.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with