^

Punto Mo

Trixie Cruz-Angeles, Vic Rodriguez at Joe Calida: Bagong TVJ, nabulaga!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MULI na namang pinatunayan sa kasaysayan na walang matibay na kaalyado kapag napagitnaan ito ng pansariling kapakanan. Sa giyera, hindi lamang ang mga piling sundalo ang gustong makinabang sa panalo. Mas marami ang nakaangkas na gerilya sa tren para magmaniobra. Kaya nadiskaril sina TVJ (Trixie,Vic & Joe) It…Bulagaaa!

Mistulang nag-backfire ang mga bombang tanim ng UniTeam na ang nasabugan ay ang sarili nilang kasundaluhan. Kakaiba ang bomba sa pulitika, wala itong pulbura, pero punumpuno ng sharpnel ng intriga.

Bukod kay Atty. Vic at Atty. Calida, kinulapol ng intriga si Atty. Trixie dahil sablay daw sa kumpas ang buka ng bibig nito, kaya sintunado ang mga detalye ng presidential press releases. Ano nga ang maaasahan ng mga taga-mainstream media sa reyna ng vlogger. Eh, di tabla-tabla lang. Nagkasakit tuloy, kaya ayun, nag-resign. Graceful exit nga naman. Masaya na kaya si Maharlika?

Naging abogado si Trixie ng Oakwood mutineers noon na pinamunuan ni Antonio Trillanes para patalsikin si Pres. Gloria M. Arroyo sa puwesto. Kumampi rin siya sa kalaban ng isang maimpluwensiyang relihiyon na naging kontrobersiyal at gumulo sa pamunuan nito. Kabahagi ang dalawang ito sa UniTeam ngayon ni BBM, kaya posible raw na nakagalos ito kay Trixie. Sinampolan ka lang, may susunod pa ba?

Maintriga ang magkabi-kabilang paksyon sa bakuran ng Malacañang na sumuporta kay BBM kaya pati ang First Family ay apektado na rin. Sa dami ng mga naghahangad na makabahagi ng kikitain sa tagumpay ng UniTeam, kaya malamang na maluray ang buong bansa at lalo pa tayong maghirap kapag hindi ito naampat. Kayanin kaya ni Executive Secretary Lucas Bersamin? Let’s see!

May mahigit 10 pang mga hindi pa natatanguan ang Commission on Appointment sa hanay ng gabinete ni BBM kaya excited pa rin ang mga “abangers” na patuloy pa sa paglalaway. It’s showtime…Lol! Yahooooo!

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with