^

Punto Mo

Psychology tricks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Kapag iniinsulto ka ng isang tao, tumahimik ka sandal­i, titigan siya saka magtanong nang malumanay: “Okey ka lang?”

Kung alam mong nagsisinungaling ang kausap mo, titigan mo ang kanyang mga mata at huwag magsasalita ng kahit ano.

Kapag nakikipagtalo ka, panatilihing kalmado ang pagsasalita. Nagbibigay ito ng impresyon sa iyong katalo na panalo ka dahil hindi ka affected at cool ka lamang.

Ang good posture at tamang suot na damit sa isang okasyon ay nagpapataas ng self-confidence.

Obserbahan ang lalaki o babaing pinaghihinalaan mong may crush sa iyo. Totoo ang hinala mo kung ang mga mata niya ay nanlalaki o dumidilat mabuti habang kayo ay nag-uusap. Ang pagdilat ng mata ay senyales na love ka ng kausap mo.

Kung sa inyong pag-usap ay napansin mong gina-gaslight ka, sabihan mong hindi ka na interesado sa sasabihin niya, sabay talikod at bilisan mo ang pag-alis. Ano ba ang gaslighting­? Gumagamit ng kasinungalingan ang iyong kausap para makontra ang ipiniprisinta mong impormasyon at magmukha kang nagha-hallucinate lamang. Kung padadala ka sa kanyang kasinungalingan, pagdududahan mo ang iyong katinuan.

Kung binibigyan ka ng “silent treatment” ng isang tao na alam mong wala kang atraso sa kanya, gantihan mo rin siya ng mas matinding “silent treatment”. Kapag napansin niyang walang epekto sa iyo ang pagmamarakulyo niya, malamang na siya ang unang kumausap sa iyo.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with