^

Punto Mo

‘Wag naman manamantala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

BAGAMA’T sa darating pang Oktubre magkakaroon epektibo ang inaprubahang taas pasahe sa mga public utility vehicles (PUVs), may ilang mga driver ang inirereklamo na ngayon pa lang ay nag-adjust na agad sa kanilang sinisingil sa mga pasahero.

Oo nga’t nauunawaan ng marami ang kanilang panga­ngailangan, pero dapat pa ring isipin  naman ang kalagayan at pangangailangan din ng kanilang mga pasahero o sakay.

Ika nga hindi lang naman sila ang naapektuhan sa nagdaang pandemya na kailangang bumangon, kundi halos lahat naman ay nakatikim ng dagok ng COVID pandemic.

Sangkaterbang sumbong na ang nakarating sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol dito.

May insidente pa nga na pinagsisimulan ng iringan at away ng driver at pasahero, dahil nga sa sobrang aga na pagtataas ng singil partikular na sa mga jeep at bus.

Dapat ay sa Oktubre 1 magiging epektibo ang taas singil sa pasahe pero pumatak ito sa araw ng Sabado, kaya nagpasya ang LTFRB na simulang ipatupad ang fare adjustment sa Oktubre 3, araw ng Lunes.

May babala rin sila sa mga hindi tutugon dito na papatawan ng kaukulang parusa.

May paalala rin ang LTFRB na kailangan bago magpatupad ng taas singil kailangan na may nakapaskil ng fare matrix o fare guide sa kanilang mga sasakyan na kukunin sa LTFRB.

Huwag na sana itong maging dahilan pa ng hindi pagkakaunawaan sa mga lansangan.

Ilang araw na rin lang naman ang hihintayin at maipapatupad na ito.

Tyagain na lang siguro natin at huwag manamantala sa iba.

 

vuukle comment

PUBLIC UTILITY VEHICLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with