^

Punto Mo

Mga kaalaman tungkol sa pagpapakasal

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Sa U.S. walang batas o relihiyon na nagdidikta na dapat gamitin ng babaeng nagpakasal ang apelyido ng kanyang asawa. Ngunit 70 percent ng mga Amerikano ang naniniwalang dapat palitan ang apelyido ng babae at gamitin ang sa kanyang asawa.

May paniwala ang mga Fijians na binabantayan at pinuprotektahan ng diyos na si Nangganangga ang mga mag-asawa. Ang mga binata ay hindi tatanggapin sa Fijian paradise at magiging abo na lang kapag namatay.

Ang Penan nomads na nakatira sa isla ng Borneo (southwest ng Philippines) ay nanini­walang ang mga babae ay walang kaluluwa hangga’t hindi siya ikinakasal.

May mga U.S. states na required magpa-blood tests or physical exams bago magpakasal ang magnobyo. Ngunit may states din na hindi na ito kailangan kaya kung nagkataong naglihim ang isa sa mag-asawa na sila ay may venereal disease, impotent or baog, maaari itong maging dahilan upang ipawalang bisa ang kasal.

Ang puti ay kulay ng pagluluksa sa Eastern culture (Asia at Middle East) kaya hindi sila gumagamit ng white wedding dresses.

Ang phrase na “Something old, something new, something borrowed, something blue, and a silver coin in her shoe” ay sumisimbolo ng pagsasamang walang katapusan, pag-asa, kaligayahan, pagiging matapat sa isa’t isa, magandang suwerte at kayamanan.

(Itutuloy)

vuukle comment

MARRIAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with