^

Punto Mo

lolo Sa Germany na tinaguriang ‘hammer hands’, kayang sumira ng mga matitigas na bagay gamit ang kamay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING tanyag sa tawag na “Hammer Hands” ang senior citizen na si Muhamed Kahrimanovic dahil sa pambihira niyang lakas na sumira ng matitigas na bagay tulad ng niyog at baseball bat gamit lamang ang kamay!

Bata pa lamang, nag-aaral na ng martial arts si Kahrimanovic at hanggang sa kanyang pagtanda, ang pagiging Taekwondo ­instructor ang kanyang napiling career.

Ngunit hindi akalain ni Kahrimanovic na sa edad niyang 63, kikilalanin ng Guinness World Records ang kanyang lakas at kakayahan matapos niyang masungkit ang titulong “Most baseball bats broken with hands in one minute”.

Sa palabas sa telebisyon na Lo Show Dei Record, ipinakita niya sa buong mundo na sa loob ng isang minuto, nahati ng kanyang kamay ang 68 piraso ng baseball bats.

Bukod dito, may kakayahan din si Kahrimanovic na magbiyak ng 148 niyog sa loob ng 1 minuto gamit ang isang kamay.

Sa panayam kay Kahrimanovic, sinabi nito na kaya niya tinanggap ang hamon sa palabas na Lo Show Dei Record ay dahil gusto niyang ipakita sa mga manonood sa buong mundo na hindi nasusukat sa edad ang lakas at kakayahan ng isang tao. Kung may dedikasyon at tiwala sa sarili, maaabot ninuman ang kanilang ninanais.

vuukle comment

GERMANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with