^

Punto Mo

EDITORYAL - Kabagalan ng NHA sa Yolanda ­Housing

Pang-masa
EDITORYAL - Kabagalan ng NHA sa Yolanda ­Housing

SIYAM na taon na ang nakalilipas mula nang manalasa ang Bagyong Yolanda sa Kabisayaan na nagdulot sa pagkamatay ng mahigit 6,000 katao at nagwasak sa maraming bahay subalit hanggang ngayon, wala pang matirahan ang mga biktima.

Mabagal ang National Housing Authority (NHA) sa paggawa ng mga bahay. Mayroon na silang nagawa at tinitirahan na subalit ayon sa mga residente nagdurusa sila sapagkat walang kuryente at tubig. Kailangan pa nilang umigib mula sa malayo. Dusa sila kapag tag-ulan sapagkat bumabaha dahil walang drainage system at mas lalong dusa kung tag-araw sapagkat sobrang init na halos malitson sila sa loob ng bahay. Dahil walang kuryente, hindi sila makagamit ng electric fan. Tanong ng mga biktima ng Yolanda, kailan matatapos ang kanilang paghihintay sa pina­ngakong pabahay.

Sa 2021 annual report ng Commission on Audit (COA) sa NHA, sa 212,618 na target housing units sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program, 73 percent pa lamang o 156,219 units pa lamang ang nakukumpleto sa petsang Disyembre 31, 2021. Ang natitirang 56,399 units ay ginagawa pa at ang iba naman ay itinigil ang paggawa at mayroong hindi pa man lang sinisimulan ang konstruksiyon. Ayon sa COA, inilunsad ng NHA ang proyektong pabahay noong Agosto 1, 2014.

Ang matindi rito may mga ginawang bahay na hindi mapakinabangan dahil marupok. Sa halip na bakal ang patigas, mga kawayan umano ang ginamit kaya may mga gumuho na. Maraming natatakot tumira sapagkat posibleng maguho ang mga ginawang bahay.

Ayon pa sa mga residente, ang mga sinimulang bahay ay hindi na tinapos at karamihan sa mga ito ay kinakalawang na ang mga bakal. Nasayang lamang umano ang pera ng gobyerno gayung marami ang naghihintay na magkaroon ng bahay. Nagtataka sila kung saan napunta ang malaking pondo para sa pabahay at bakit hindi matapus-tapos?

Nararapat magsagawa ng imbestigasyon ang kasalukuyang pamahalaan hinggil sa kabagalan ng NHA na matapos ang pabahay para sa mga biktima ng Yolanda. Hanggang kailan paghihintayin ang mga biktima ng Yolanda? Maawa naman sa kanila.

vuukle comment

HOUSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with