^

Punto Mo

Ginger (110)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Walang puknat na hinampas nang hinampas ni Anton ng itim na patpat ang taong paniki. Tinamaan sa ulo at katawan. Bawat hampas ni Anton ay umaaringking sa sakit ang taong paniki. May kakaibang kapangyarihan ang patpat na itim kapag dumadapo sa katawan ng taong paniki.

‘‘Sige pa Anton! Hampasin mo pa si Buktot! Buhay pa ‘yan! Mahusay magkunwari ang Buktot na ‘yan!’’ sigaw ni Tandang Nado habang nakadungaw sa bintana.

Hinampas pa nang sunud-sunod ni Anton ang taong paniki na tinawag ni Tandang Nado na si Buktot.

Hanggang makita ni Anton na nalusaw at naging abo si Buktot. Naging tumpok ng abo.

“Natunaw siya Tandang Nado.’’

‘‘Mabuti nga sa kanya.’’

“Muntik na ako Tandang Nado.’’

“Teka at bababa ako. Pipigaan ko ng dayap ang abo para hindi na mabuhay ang Buktot na ‘yan.’’

Umalis si Tandang Nado sa bintana.

Pagbaba ay may dalang isang buong dayap na may pungos sa dulo at saka

piniga sa abo. Biglang natunaw ang abo.

‘‘Hindi na mabubuhay ang Buktot na ‘yun!’’

“Kabilang po ba siya sa mga nagbabantay sa Itim na Tulay?’’

‘‘Hindi. Aali-aligid lang ‘yan dito sa kubo ko at naghihintay ng pagkakataon para may madagit. Ikaw ang naispatan kanina. Kaya nga bago ako pumasok sa silid-orasyunan ko ay binigyan ko kayo ni Mulong ng itim na patpat. Malakas kasi ang kutob ko na may sasalakay.’’

“Mabisa po pala itong patpat.’’

“Kapag nagamit na ay wala nang bisa ‘yan. Itapon mo na sa balon na malapit sa puno ng balete.’’

Tinungo ni Anton ang balon. Nang tingnan niya ang ilalim ng balon, nagulat siya sa nakita.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with