^

Punto Mo

Ganda at banta sa mga dalampasigan  

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

DITO sa ating bansa, marami itong pangalan. Tila wala itong permanenteng tatak sa bokabularyong Pilipino. Minsan, dalampasigan ang tawag dito. Kilala rin ito bilang tabing-dagat, aplaya o pampang. Pero, sa kultura natin ngayon na mas madalas nagagamit ang salitang Ingles o magkahalong Tagalog at Ingles, beach ang laging tinatawag dito. Beach ito sa mga bakasyunista, turista o sinumang  gustong magliwaliw sa tabing-dagat. Pero, siyempre, sa mga mahihirap na nakatira sa mga ganitong lugar tulad ng mga mangingisda, hindi karaniwang lumalabas sa kanilang bibig ang “beach.”

Ang mga dalampasigan ang isa sa mga magagandang bahagi ng kalikasan. Natatampok ito sa mga obra ng mga pintor  at litratista, mga kuwento, nobela, tula at maging sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Isa sa pinananabikang matanaw mula sa tabing-dagat ang pagsikat o paglubog ng araw.  Nakakapagpagaan sa kalooban ng mga taong nais mapag-isa o makapagsarili at makapag-isip ang magpalipas ng oras sa aplaya. Karaniwan na itong pasyalan ng mga magkasintahan. Maraming pamilya ang malimit nagpipiknik dito.

Pero, dumarating ang panahon na, kahit gaano kaganda ang bahaging ito ng kalikasan, nagiging banta rin ito sa buhay at kabuhayan ng mga tao at ari-arian. Bukod sa tsunami at ng tinatawag na daluyong o surge kapag may malakas na bagyo, nariyan ang patuloy na pagtaas ng lebel ng dagat na unti-unting kumakain sa mga  dalampasigan habang dumaraan at lumilipas ang maraming taon o dekada.

Matagal nang babala ng mga scientist, environmentalist at ibang mga eksperto ang pa-nganib na idudulot ng pagtaas ng lebel ng dagat na bunga ng global warming o climate change. May mga maliliit at mabababang islang maglalaho, may mga bayan at lunsod  sa mabababang lugar o tabing dagat na lulubog sa baha o mabubura sa mapa, milyun-milyong mamamayan sa buong mundo ang mawawalan ng kabuhayan at tahanan partikular ang mga naninirahan sa mga dalampasigan. At kabilang ang Pilipinas na nangangnanib sa pagtaas ng lebel ng dagat. May ilan na ngang lugar sa bansa na nasa tabing-dagat ang laging binabaha.

May mga pagkilos namang ginagawa ang mga pamahalaan, mga bansa at iba pang mga kinauukulan para matugunan ang banta ng pagtaas ng lebel ng dagat na isa sa mga epekto ng global warming. Pero tila hindi pa sapat ang kanilang mga hakbang. May ilang bansa nga na sumusubok na magtayo ng isang lunsod sa dagat bilang sagot sa pagtaas ng lebel ng dagat at panahon lang ang makakapagsabi kung magiging matagumpay ito.

Ilan sa hakbang na ginagawa sa ilang mga bansa ang pagpapagawa o pagpapataas  ng mga seawall at pagtatanim ng mga bakawan at ibang halaman o puno na hihigop sa tubig, pagpapalipat ng mga naninirahan sa mga tabing-dagat sa mas matataas na lugar, pagtatayo  ng flood gates, pagpapatupad ng mas mahuhusay na flood-control program, pagpapataas sa mga kalsada at iba pa.

Kung sinasabing hindi mapipigilan ang global warming, hindi rin mapipigilan ang pagtaas ng level ng dagat. Maaari lang itong maantala. Pero marahil, may tsansang mapigilan ang global warming kung ganap na masusugpo ang mga bagay na nagdudulot nito tulad ng paggamit ng fossil fuel tulad ng uling, krudong langis at natural gas na ginagamit sa pagluluto, pagpapaandar ng mga  makina o paglikha ng kuryente.

 

Email: [email protected]

vuukle comment

RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with