^

Punto Mo

Maari bang hindi muna magbayad sa renta kung lugi ang negosyo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Anim na buwan na po kaming­ hindi nakakabayad ng renta para sa puwestong inuupahan po namin para sa aming maliit na tin­dahan. Simula po kasi ng magka-pandemic ay kaunti na ang namimili sa puwesto namin. Maari po ba naming idahilan ang pagkalugi ng aming negosyo para sa hindi namin pagbabayad ng renta ng ilang buwan? — Mila

Dear Mila,

Makikita sa Article 1658 ng Civil Code na maari lamang suspendihin ng nangungupahan ang pagbabayad ng renta kundi hindi inayos ng nagpapaupa ang mga kailangang kumpunihin sa  property na kanilang pinauupahan. Ayon din sa nasabing probisyon, maari ring suspendihin ang pagbabayad ng renta kung hindi masisigurado ng nagpapaupa na magagamit na matiwasay ang property na kanyang pinauupahan.

Malinaw na wala sa mga nabanggit ang pagkalugi ng ne­gosyo bilang dahilan sa pagsuspinde ng pagbabayad ng renta. Ibig sabihin, hindi n’yo magagamit ang nasabing rason upang kayo ay pansamantalang makatakas sa pagbabayad ng inyong upa.

Dahil hindi naman angkop sa sitwasyon n’yo ang mga nakasaad sa batas na maaring dahilan ng pagsuspinde sa pagbabayad ng renta ay kailangan kayong tumupad sa inyong obli­gasyon na bayaran ang inyong buwanang upa, alinsunod sa inyong kontrata.

Ito ay bukod na lamang kung pumayag ang nagpapaupa sa inyo na makipag-negosasyon para sa bagong terms ng inyong pag-upa ngunit iyan ay nakadepende na sa kanila at hindi sa inyong kagustuhan kaya wala kayong magagawa kung gugus­tuhin nilang sumunod na lang kayo sa inyong orihinal na napagkasunduan.

vuukle comment

RENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with