^

Punto Mo

Ginger (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SALAMAT! Maraming salamat! Babayaran kita kahit magkano,’’ sabing nasisiyahan ni Anton sa traysikel drayber.

“Saka na lang po natin pag-usapan yan. Ang mahalaga ay kung paano makakarating sa kubo ni Tandang Nado na hindi napapahamak.’’

“Sige, paano ang gagawin natin. Sabihin mo kung mayroon tayong bibilhin na mga gamit.’’

“Dun po natin pag-usapan sa bahay ko. Para maiplano natin nang maayos. Kasi po hindi basta-basta ang susuungin natin.’’

‘‘Sige, salamat uli. Hulog ka ng langit sa akin. Maaaring malutas na ang problema ko at gagaling na rin ang nobya ko.’’

“Naaawa po kasi ako sa nobya mo. Sabi mo po payat na payat siya.’’

‘‘Oo. Nahulog nang todo ang katawan niya. Hindi siya dating ganun. Maganda siya at punumpuno ng saya.’’

Napatangu-tango  ang drayber.

“Halika na po sa bahay. Siguro rin ay nagugutom ka na. Malayo pa ang pinanggalingan mo.’’

“Oo nga. Humahapdi na ang tiyan ko.’’

‘‘Sakay na po at punta na tayo sa bahay.’’

Sumakay si Anton sa traysikel.

Pinaandar ito at umalis na sila.

Makalipas ang limang minuto ay nasa harapan na sila ng bahay na gawa sa kawayan na ang bubong ay kugon. Cute ang bahay.

“’Yan po ang bahay namin,’’ sabi ng drayber,

“Cute ang bahay mo. Sinong kasama mo sa bahay?’’

“Asawa ko po at isang anak.’’

Niyaya siya sa loob ng bahay.

Tinawag ng drayber ang asawa.

‘‘Lorna, may bisita tayo. Nakaluto ka na ba?’’

Lumabas ang tinawag na Lorna. Maganda at mukhang mabait.

‘‘Galing siyang Maynila may sasadyain sa Daang Diyablo.’’

Hindi agad nakapagsalita ang asawang si Lorna nang marinig ang Daang Diyablo. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with