^

Punto Mo

Ginger (95)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAGPAPAHATID ako hanggang Bgy. Daan. Magkano ba hanggang doon?’’ tanong ni Anton sa driver.

Napakamot sa ulo ang driver. Bantulot pa nang sumagot.

“Hindi po ako naghahatid sa Bgy. Daang Diablo, Sir?’’

“Daang Diablo? ‘Yun ba ang Bgy. Daan?’’

“Opo. Pinaikli lang kasi nakakatakot.’’

Nagtaka si Anton kung bakit nakakatakot. Ano ­kayang dahilan at nakakatakot.

“Wala bang ibang traysikel na maaring maghatid dun, Pare?’’

‘‘Wala po Sir.’’

“Kahit magbayad ako nang malaki kahit dalawamg libo!’’

Napalunok ang driver sa narinig na dalawang libo. Hindi agad nakasagot.

“Kahit dagdagan ko pa makarating lang ako sa Bgy. Daan o sa Daang Diablo—kahit tatlong libo.’’

Napakamot uli sa ulo ang driver.

‘‘Sir delikado po sa Daang Diablo. Mahirap pong abutin ng dili dun.’’

“Bakit?’’

“Hindi na po nakakalabas ng buhay ang pumapasok sa barangay na ‘yun.’’

“Bakit?’’

“Maraming kababalaghan pong nangyayari. May basta po humaharang sa daraanan at bigla na lang nawawala ang dumaraan.’’

Nag-isip si Anton. Gaano kaya katotoo ‘yun. Bakit walang nabanggit si Marie.

‘‘Kilala mo ba si Tandang Nado na albularyo?’’

‘‘A oo Sir. Kilalang albularyo si Tandang Nado.’’

‘‘Siya sana ang hahanapin ko kaya ako pupunta roon.’’

‘‘Marami pong dadaanang pagsubok bago maka­rating sa kubo ni Tandang Nado.’’

“Tulungan mo naman ako. Kahit apat na libo babayaran kita.’’

Napakamot uli sa ulo ang drayber. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with