^

Punto Mo

Pinakamatandang estudyante sa Italy, naka-graduate sa ikalawang pagkakataon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-GRADUATE ang 98 years old na si Giuseppe Paterno, sa ikalawang pagkakataon matapos niyang makuha ang kanyang masters degree in history and philosophy.

Noong 2020, natanggap ni Paterno ang kanyang bachelors degree in history and philosophy sa University of Palermo sa edad na 96. Nawili siya sa pagkokolehiyo at naisipan na ipagpatuloy ito sa masteral degree.

Ipinanganak noong 1923 si Paterno sa isang mahirap na pamilya sa Sicily, Italy. Mahilig mag-aral at magbasa si Paterno ngunit hindi siya nakatuntong sa kolehiyo. Pagsapit ng World War II, nagsilbi siya sa Italian Navy at pagkatapos ng giyera ay nagtrabaho siya bilang railway worker.

Taong 2017 naisipan ni Paterno na bumalik sa pag-aaral dahil matagal na niyang pangarap ang makapagtapos sa kolehiyo. Sa edad na 93 nag-enroll siya sa University of Palermo at dahil dito, binansagan siyang oldest student in Italy.

Ayon sa pamilya ni Paterno, sobrang proud sila sa kanilang ama na kahit malapit ng ma­ging 100 years old, nakakakuha pa ito ng mataas na grado at pinarangalan pa ito ng kanyang unibersidad ng award na first class honors.

Sa panayam kay Paterno, kung ano ang nais niyang gawin pagkatapos makuha ang masteral degree, sinabi nito na gusto naman niyang matapos ang sinusulat niyang nobela.

vuukle comment

HISTORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with