^

Punto Mo

EDITORYAL - Ang P1,000 polymer bills

Pang-masa
EDITORYAL - Ang P1,000 polymer bills

GINAGAMIT na ang bagong P1,000 bills na gawa sa polymer. Dati, gawa sa abaca fiber ang P1,000 bills at ang iba pang paper bills pero ngayon, kabilang na ang Pinas sa gumagamit ng perang gawa sa polymer. Si dating Central Bank governor at ngayo’y Finance Secretary Benjamin Diokno ang nagpasyang gumamit ng polymer ang bansa.

Subalit maraming katanungan ang naglabasan makaraang lumabas ang P1,000 bills noong nakaraang linggo at hanggang ngayon, ito pa rin ang mainit  na pinag-uusapan.

Sabi, hindi raw dapat tupiin ang P1,000 polymer dahil masisira ito. Kailangan ay plantsado sa pitaka. Hindi rin daw dapat maarawan dahil kukupas ang kulay at pagkakaimprinta.

Marami pang katanungan sa bagong P1,000 bill. Pero ang pinakamahalagang tanong ay kung bakit kailangan pang palitan ng agila ang tatlong bayani ng World War 2? Mahalaga pa raw ba ang agila kaysa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan? Ang tatlong bayani ay sina Josefa Llanes Escoda, Jose Abad Santos at Vicente Lim.

Si Escoda ay isang civic leader, social worker at ta­gapagtanggol ng mga kababaihan. Siya ang nagtatag ng Girl Scout of the Philippines. Noong Enero 6, 1945, dinukot siya ng mga Hapones, tinorture at pinatay. Hindi na nakita ang kanyang bangkay.

Si Jose Abad Santos ay naging Chief Justice ng Korte Suprema noong Disyembre 24, 1941 makaraang italaga ni President Manuel  Quezon. Nang tumakas sina Quezon sa Corregidor at nagtungo sa Australia, si Abad Santos ang inatasan niyang maging caretaker ng bansa. Nadakip siya ng mga Hapones sa Malabang, Lanao del Sur. Noong Mayo 2, 1942, pinatay siya nang tumangging kilalanin ang gobyernong Hapones.

Si Vicente Lim, isang heneral ay nadakip ng mga sundalong Hapones sa Oriental Mindoro. Dinala sa Maynila at ikinulong sa Bilibid. Pinahirapan siya at saka walang awang pinatay noong Enero 15, 1945 sa Manila North Cemetery. Hindi rin narekober ang kanyang bangkay.

Sinabi noon ni Diokno, hindi naman daw winawalang-halaga ang kabayanihan ng tatlo. Kalakaran na rin naman daw ngayon ang paglalagay ng fauna at flora sa pera.

Tama naman ang Finance secretary. Pero sana, hindi inalis ang tatlong bayani ng World War II. Puwede namang ilagay ang Philippine eagle sa P1,000 bill na hindi masasakripisyo ang mga bayani. Hindi dapat alisin ang mga nagsakripisyo ng buhay para sa Inambayan.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with