^

Punto Mo

EDITORYAL - Pag-tax sa single-use plastics, hindi sagot sa plastic pollution

Pang-masa
EDITORYAL - Pag-tax sa single-use plastics, hindi sagot sa plastic pollution

BALAK ng Marcos administration na buwisan ang single-use plastics para mapagkunan ng pondo. Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, kikita ang pamahalaan ng karagdagang P1 bilyon taun-taon sa buwis mula sa single-use plastics. Ayon pa sa Finance secretary, hindi lamang karagdagang pondo ang idudulot ng pagbubuwis sa plastics kundi makatutulong din umano sa paglaban sa climate change.

Ayon sa World Bank, ang plastic production sa Pilipinas ay nakapag-contribute ng $2.3 billion sa ekonomiya ng bansa noong 2018. Karaniwang ang bumibili ng mga produktong nasa single-use plastic ay mga mahihirap at middle-income na pamilya. Karaniwang nasa sachet ang mga produktong binibili. Ang problema, hindi maisaayos ang pagtatapon ng mga basurang plastic at humahantong sa karagatan. Kaya isa ang Pilipinas sa malaking contributor ng basurang plastic.

Sa inagurasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo 30, binanggit niya ang tungkol sa plastic pollution kung saan, ikatlo ang Pilipinas sa plastic polluter. Sinabi ni Marcos na lilinisin ang mga kalat.

Karaniwang hinahantungan ng mga plastic na basura, kabilang na ang mga single-use plastics ay ang karagatan. Karaniwang makikita ang mga basurang plastic sa mga estero, kanal, sapa at iba pang daluyan ng tubig. Nagdudulot ito nang pagbaha sapagkat hindi natutunaw. Hahantong sa dagat ang mga plastic at apektado rin ang mga lamandagat.

Kikita ang pamahalaan sa pagbubuwis sa single-use plastics subalit walang malinaw na nakikita kung paano masosolusyunan ang plastic pollution. Tiyak na patuloy ang produksiyon ng plastic kahit taasan ng buwis. Dapat magkaroon din ng kam-panya ang pamahalaan kung paano maitatapon nang maayos ang single-use plastic upang mapa-ngalagaan ang kapaligiran. Kikita nga sa buwis pero warat ang kalikasan.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with