^

Punto Mo

Phil. History, dapat ituro nang tumpak!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MULA pa noon, marami nang mga makapangyarihang bansa ang naghangad na sakupin at angkinin ang Pilipinas dahil sa angkin nitong katangian. Mayaman tayo sa kalikasan at sagana sa pagkain mula sa kabundukan hanggang karagatan.

Maganda rin ang posisyon ng mga isla natin na ang­kop sa pangkalakalan. Pader din na depensa at maging pang-opensiba ng mga makapangyarihang mga bansa na magagamit kung magkagiyera. Pag-aralan at ituro sa mga kabataan ang mga bansa na mahilig sa giyera.

Ang Spain at U.S. ay naunang nagkainteres na angkinin ang Pilipinas, pero hindi sila nagtagumpay nang lubusan. Binayaran ng U.S. ang Spain ng milyong dollar upang masarili ang panghihimasok at paniniil sa mahabang panahon. Ipinaglaban ng mga magigiting nating mga bayani ang sariling kalayaan natin na June 12 at hindi hango sa kalayaan ng U.S. na July 4. Malaya na nga ba tayo?

Marami sa mga mayayaman sa Pilipinas ay nagmula sa lahi ng mga dayuhan. Ilan sa kanila ay sina Señores Zobel de Ayala, Silva, Ledesma at Madrigal na nagmamay-ari rin nang malalaking negosyo hanggang ngayon.

Sa panahon ni dating Presidente Ferdinand Marcos Sr., lumutang ang mga pangalan nina Lucio Tan, Ramon Ang, Henry Sy, Gokongwei at Tantoco. Marami sa mga negosyo ng Kastila at Amerikano ang nanlumo. 

Dumami ang kumalaban kay Marcos hanggang mapabagsak ito. Sino kaya at ano ang dahilan sa palagay ninyo? Pag-aralan natin.

vuukle comment

HISTORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with