^

Punto Mo

Gen. Lee, lumingon sa pinanggalingan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MARUNONG lumingon sa kanyang pinanggalingan si Cordillera Police director Brig. Gen Ronald Oliver Lee. Para makatulong sa kanyang mga ninuno, pamilya at kapitbahay sa Bgy. Parian Weste, Bauang, La Union, ginawa ni Gen. Lee ang lugar na sentro ng kanyang Joint Medical Outreach Program noong Hunyo 26. Siyempre, partner ni Gen. Lee sa kanyang kawang-gawa ang La Union Provincial Police Office at ang United Church of Christ in the Philippines. Umabot sa 307 residente ng Bgy, Parian Weste at kalapit barangay ang nakinabang sa programa ni Gen. Lee. Mismooooo! Hak hak hak! Walang umuwing luhaan! Dipugaaaaa!

Sinabi ni Gen. Lee na may 108 beneficiaries ang nabigyan ng free medical consultation sa pangunguna ni Col. Jessiemyr Protacio, ang hepe ng Cordillera police Regional Medical and Dental Unit (RMDU). Nagbigay din si Col. Protacio ng lecture tungkol sa proper hygiene at pagkatapos ay namigay ng free dental kits. May 15 residente naman ang binigyan ng free haircuts ng mga miyembro ng Regional Mobile Force Batallion 15 (RMFB15).

Nakakatuwa na may pulis pa tayong tulad ni Gen. Lee na malambot ang puso at matulungin, di ba mga kosa? Mismoooooo! Hak hak hak! Madaling lapitan itong si Gen. Lee at higit sa lahat madaling hanapin. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Siyempre, hindi makakalimutan ang highlight ng okasyon kung saan itong si Gen. Lee, na inasiste ng kanyang butihing asawang si Mrs. Bong Lee, ay nag-distribute ng school supplies at tsinelas sa mga kabataan. Nai-turnover din ni Gen. Lee ang assorted vegetables galing sa Cordillera kay Chairwoman Imelda Coquia, para ipamigay ng libre sa kanyang constituents. “Ginawa natin ang programang ito bilang pasasalamat sa lugar na aking kinalakihan at bilang pakikiisa sa UCCP Anniversary Celebration,” ani Gen. Lee.

Magandang programa itong ginawa ni Gen. Lee at sana ay tularan pa ito ng ibang Regional Directors ng PNP para may pangontra naman sa mga kumakalat na negatibong kuwento tungkol sa mga pulis natin. Mismooooo! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Ano pa nga ba! Dipugaaaaa!

Dumalo at sumuporta sa outreach program ang Command Group ni Gen. Lee na sina Brig. Gen. John Chua, ang Deputy Director for Administration (DRDA); Col. Benjamin Sembrano, Deputy Regional Director for Operations (DRDA); Col. Elmer Ragay, Chief of Regional Staff, at iba pang key officers ng Cordillera police.

At habang abala si Gen. Lee sa outreach program n’ya, ang kanyang tauhan naman ay nagsagawa ng pagsalakay sa marijuana plantation sa Benguet at Kalinga noong Hunyo 24 hanggang Hunyo 26 at sinira ang nagkahalagang P62 milyon na mga tanim. Ayon kay Capt. Marnie Abellanida, ng Cordillera police PIO, 26 marijuana plantation ang natagpuan sa Kalinga samantalang dalawa naman ang sa Benguet. Idinagdag pa ni Capt. Abellanida na kasama sa operation, na tinaguriang Implan Tambur, ang mga ahente ng PDEA-Cordillera. Ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya ay sinunog sa site. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

RONALD OLIVER LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with