^

Punto Mo

Gambling lords, rumaratsada na bago umupo si BBM! 

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAIS ng gambling lord na si alyas Doce na palawakin ang hawak niyang pasugal na Small Town Lottery (STL) sa Pinas. Ang huling target niya ay ang Pangasinan na kumukubransa ng aabot sa P20 milyon kada araw noong wala pang pandemya. Kaya nang nilampaso ni Ramon Guico lll si incumbent Gov. Amado Espino, ginamit ni Doce ang maimpluwensiya niyang kababayang pulitiko para tawagan si Guico at makuha niya ang STL sa Pangasinan.

Noong kapanahunan kasi ng mga Espino, hawak nila ang pasugalan sa probinsiya. Ang siste lang, tinanggihan ni Guico ang dating amo niyang namamagitan para kay Doce sabay sabing ang mga alipores naman niya ang makikinabang sa pasugalan sa probinsiya. Araguuyyyyy!

Kung sabagay, halos 11 STL na ang hawak ni Doce at kung nakuha sana niya ang Pangasinan ay maging dose ito. Get’s n’yo mga kosa? Ang STL sa Pangasinan, na bino-bookies ng tropa ni Espino ay naghihingalo na habang ang mga bataan naman ni Guico ay naghahanda na para makinabang sa pasugalan. Mismooooo! Hak hak hak!

Kahit naisnab sa Pangasinan, lalawak talaga ang kaharian ni Doce dahil, ayon sa mga Marites, bilyones ang inilagak niya sa war chest ng UniTeam. Ano ba’yan? Dipugaaaaa!

Ang isa pang gambling lord na si alyas Tita ay bumiyahe na rin papuntang Albay para ayusin ang ‘‘kalakaran’’ sa pasugalan. Si Tita kasi ay may linya sa nanalong gobernador na si Noel Rosal, ang dating mayor ng Legazpi City. Nais kausapin ng tatay ni incoming governor si Tita at dinggin kung ano ang sistema niya. Dati-rati ang pasugal sa Albay ay hawak ni outgoing Gov. Al Francis Bichara kaya lang olats siya kay Rosal nitong nakaraang May election.

Hindi lang ‘yan! Hindi lang si Tita ang nakapila sa Albay kundi marami pa. Itong si Tita ay may palaro sa Canlubang, Laguna at nasulot ni Ka Totoy bilang kolektor ng isang opisyal ng PNP na nakabase sa Calabarzon. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Si kosang Jun Cruz ang nagsaing sa PRO4-A subalit si Ka Totoy ang kumain! Mismooooo!

Tatlong araw pa bago ang inagurasyon ni incoming President Bongbong Marcos subalit rumaratsada na ang mga gambling lords. Ang unsolicited advice ng mga kosa ko kay BBM ay huwag na siyang kumuha ng pulis o militar na mamuno ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil masama ang record nila sa paghawak ng STL.

Matatandaan na unang isinabak ni President Digong si Jose Jorge Corpuz bilang chairman ng PCSO subalit ang nangyari panay mistah niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘82 ang nakakuha ng prangkisa ng STL. Kasunod na hinirang ay si Marine Gen. ALex Balutan subalit inakusahan siya ng negosyanteng si Atong Ang na kakutsaba ni Corpuz para makopo ang STL. Pumalit si Royina Garma ng PNPA Class ‘97 na inulan din ng pakiusap ng seniors niya. Kaya dapat sibilyan, na hindi intiendido sa sugal, ang mamuno ng PCSO para wala siyang utang na loob kahit kanino.

Nang sa gayon, maiayos niya ang takbo ng PCSO na hindi inaalintana kung sinu-sino ang aapakan n’ya. Sa kasunod na chairman ng PCSO, good luck sa iyo dahil puro gambling lords ang makakausap mo. Mismooooo! Hak hak hak! Baka malula ka sa mga babanggiting padrino na mga gambling lords! T’yak ‘yun! Abangan!

vuukle comment

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with