^

Punto Mo

Nag-resign na ­empleyado sa gitna ng taon, may karapatan ba sa kanyang 13th month pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Balak ko po mag-resign ngayong June. May  karapatan po ba akong makakuha ng 13th month pay mula sa kompanyang iiwanan ko? Ang alam ko kasi ay hindi ako makakakuha ng buong 13th month mula sa lilipatan kong employer pagsapit ng December. —Ferdie

Dear Ferdie,

Oo, may karapatan kang matanggap ang bahagi ng 13th month pay mo mula sa lilisanan mong kompanya.

Ayon sa Rules Implementing the 13th Month Pay Law, ang 13th month pay ay katumbas ng 1/12 ng kabuuang suweldo na natanggap sa isang calendar year kaya dapat ay may 13th month pay ka base sa total ng sahod na natanggap mo ngayong taon mula sa iiwanan mong kompanya.

Para malaman ang 13th month pay na iyong dapat matanggap ay kailangang i-kompyut mo kung magkano ang suma-total ng lahat ng sinahod mo mula Enero hanggang ngayong June kung kailan ka magre-resign. Matapos mong makuha ang kabuuang halaga na ito ay kailangan mo lang itong i-divide sa 12 upang makuha mo kung magkano ang 13th month pay na maari mong matanggap bilang bahagi ng iyong final pay.

Kailangan mong siguraduhin na matatanggap mo ang bahagi ng iyong 13th month pay ngayon dahil tama ka, pagsapit ng Disyembre ay partial lang din ang iyong matatanggap na 13th month pay mula sa lilipatan mong employer.

vuukle comment

13TH MONTH PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with