^

Punto Mo

Pilipino, maari bang humiling ng diborsyo sa ibang bansa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kasal po ako sa Pilipinas pero matagal na po kaming hiwalay ng asawa ko at sa ibang bansa na po ako naka­tira. Puwede ba akong humiling ng diborsyo rito para mapawalang-bisa na ang kasal ko diyan sa Pilipinas?—John

Dear John,

Dahil diyan sa ibang bansa ka hihiling ng diborsyo, kaila­ngang abogado diyan ang tanungin mo kung pinapayagan ba sa batas nila ang pagpapawalang-bisa ng kasal sa pagitan ng mga dayuhang katulad mo na isinagawa rin sa labas ng kanilang bansa katulad ng Pilipinas. Tanging ang batas lang diyan ang makasasagot sa katanungang iyan.

Mahalaga mo ring malaman na kung makakuha ka man ng diborsyo diyan na magpapawalang-bisa ng kasal mo rito sa Pilipinas ay hindi rin iyan kikilalanin dito kung pareho kayong Pilipino ng asawa mo. Bagama’t pinapayagan na ng ating batas ang mga Pilipino na makakuha ng diborsyo sa ibang bansa base sa Family Code at sa mga desisyon ng Korte Suprema sa mga kasong katulad ng Republic v. Manalo (G.R. No. 221029, 24 April 2018), ito ay para lamang sa mga Pilipinong kasal sa foreigner. Hindi ito applicable para sa mga Pilipinong kasal sa kapwa Pilipino.

Kaya hindi rin uubra ang plano mong humiling ng diborsyo diyan sa ibang bansa kung ang tanging layunin mo lamang ay mapawalang-bisa ang iyong kasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Kung ang hangarin mo naman ay upang makasal ka diyan sa ibang bansa, nakaayon iyan sa kung ano ang sinasabi ng batas nila. Ang sigurado ay hindi kikilalanin sa Pilipinas ang gagawin mong pagpapakasal diyan dahil sa ilalim ng ating batas, may bisa pa rin ang iyong kasal dito kahit nakakuha ka na ng diborsyo.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with