^

Punto Mo

‘Transport emergency’ ramdam na nga ba!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KAPANSIN-PANSIN nitong nakalipas na linggo ang ­pagluwag ng maraming lansangan, partikular sa Metro Manila.

Nakikitang dahilan dyan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay dahil na rin sa serye ng oil price hike na patuloy na nagaganap.

Isa nga dito ang tuluyang hindi na pagbiyahe ng mga nasa pampublikong sasakyan, lalo na nga at palaging bigtime ang taas sa krudo na siyang kadalasang gamit ng public utility vehicles (PUVs).

Nakikita ring isa pang dahilan dyan, ay marami sa mga pribadong motorista ang hindi na rin nagdadala ng kanilang mga sasakyan. Nagpasya na lang sila na makipagsabayan sa mga nagko-commute para tipid sa langis.

Kaya ang nangyayari, kulang na ang mga bumibiyahe, pero nadagdagan ang mga mananakay.

Kaya nga, nabawasan ang mga sasakyan sa lansangan, dagsa ang mga commuters na madalas na na-stranded.

Ang mga mananakay, talagang magtitiyagang  pumila ng  maaga o kahit madilim pa sa mga libreng sakay ng pamahalaan isama na ang mga tren.

Kaya nga may panawagan ang ilang commuter’s group na sana umano ay agad na maaksiyunan ng pamahalaan ang nakikita nilang lumalala nang transport emergency dahil nga sa walang humpay na pagsirit sa presyo ng petrolyo.

Bagama’t may inilatag na solusyon ukol dito ang pamahalaan, katulad nang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga driver/operators ng PUVs, hindi umano ito nakakasapat lalo na nga’t marami sa mga benipersaryo nito ay hindi pa rin nakakakuha sa kasalukuyan ang ayuda.

Maging ang P1 provisional na taas-pasahe sa mga pampublikong jeep ay hindi rin sapat para matulungan ang mga driver.

Pantapal lamang umano ang lahat ng ito sa krisis na nararanasan ng transport sektor sa kasalukuyan.

Makabubuting magpatupad ng mas matagalang solusyon para makaagapay ang sektor ng transportasyon at dumaloy sa mga commuters.

Eh pano nga naman makakaagapay, eh bukas inaasahan na naman na may pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Mahigit  sa dalawang piso ang inaasahang itataas sa diesel at 50-60 sentimos sa gasolina.

Yan ang  dahilan nang pagluluwag ng mga lansangan, wala nang gustong bumiyahe, mapa-pambubliko at mapa-pribado.

Baka bukas makalawa, puro bisikleta na ang makikita natin sa kalsada kung saan makakatipid ka na, nakapa-ehersisyo pa.

vuukle comment

PUBLIC UTILITY VEHICLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with