^

Punto Mo

Ka Popong, ­taga-kamada ng PNP officials sa BBM admin!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SI retired Gen. Roman “Popong” Felix ang itinuturong taga-kamada ng mga police officials na iupo sa mga sensitibong positions sa Philippine National Police sa liderato ni President-elect Bongbong Marcos Jr. Kaya’t hindi nagtaka ang mga kosa ko sa Camp Crame n’ung pumutok ang balita na ang fair-haired boy ni Ka Popong na si Maj. Gen. Junel Estomo ang incoming na director ng National Capital Region Police Office. Mukhang naalagaan ni Gen. Estomo si Ka Popong n’ung aktibo na ang huli sa serbisyo. Dipugaaaaa!

Si Ka Popong ay original na miyembro ng Philippine Military Academy Class ‘81 subalit nagtapos ng Class ‘83. Kung sabagay, qualified naman si Gen. Estomo na maging NCRPO director dahil sa katakut-takot na accomplishments nito. Si Gen. Estomo ay miyembro ng Tanglaw Diwa Class ‘92 at kasalukuyang deputy commander ng Area Police Command-Southern Luzon. Kaya sa mga gustong maupo na RD o PD d’yan, pumila na kayo kay Ka Popong. Mismooooo! Hak hak hak!

Weder-weder lang talaga ang buhay, no mga kosa? Simple lang itong si Gen. Estomo subalit rock!

Tungkol naman sa security preparations sa inauguration ni BBM sa June 30, ang primary goal ni incumbent NCRPO director Maj. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad ay siguruhing zero casualty at no untoward incident ang okasyon. Ayon kay Gen. Natividad, maging challenging ang pag-secure ng National Museum dahil sa nananalasa pa ang COVID-19. Mahigpit na ­ipatutupad ng NCRPO ang «No Backpack Policy» sa lahat ng VIP engagement areas upang madaling ma-monitor ng mga pulis ang terror threats sa nasabing okasyon.

Hindi lang ‘yan, ang airspace sa one kilometer radius sa National Museum ay dineklara ring «No Fly Zone» at «No Drone Flying Zone», at ganun din sa mga ports at waterways para din makaiwas sa mga may planong panggugulo. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan, mga kosa? Dipugaaaaa!

Wala namang namonitor na threat groups na maghahasik ng lagim sa inagurasyon ni BBM subalit para makasiguro si Gen. Natividad, kinansela ang pagdadala ng armas outside residence, anim na araw bago ang okasyon. Ang mga miyembro lang ng PNP, AFP at iba pang law-enforcement groups ang puwedeng magdala ng armas subalit ito ay habang nasa duty sila at nakasuot ng uniporme.

Siyempre, inaasahan na magiging magulo ang trapiko sa paligid ng National Museum kaya inabisuhan ni Gen. Natividad ang mga motorista na sumunod sa traffic rerouting. May italaga namang mga traffic police o barangay tanod sa mga kalye para giyahan ang mga motorista sa kanilang paglakbay, aniya.

“We have not monitored any threat ahead but we are continuously coordinating with our member-agencies. Let me reiterate my plead to everyone to think of your safety as it is our ultimate concern. Kami po sa NCRPO ay ginagawa ang lahat upang masigurado na magiging matagumpay ang nalalapit na inagurasyon ng ating bagong Pangulo.” ang giit ni Gen. Natividad! Dipugaaaa! Hak hak hak!

Hayan! Halos kumpleto rekado na ang security sa inauguration ni BBM. Mamalasin lang ang mag-violate ng alituntunin ng NCRPO! Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with