^

Punto Mo

Si Gen. Azurin ba ang manok ni BBM sa pagka-PNP chief?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nang manalo si President Digong noong 2006, kaagad n’yang pinangalanan si Gen. Bato dela Rosa na kanyang PNP chief kahit matagal pa s’ya mauupo. Sa ngayon, halos 15 days na lang at uupo na si President-elect Bongbong Marcos subalit tikom pa ang bibig n’ya kung sino ang kanyang chief PNP. Kanya-kanyang estilo talaga, no mga kosa? Subalit palakas nang palakas ang ugong sa Camp Crame at maging sa kalye sa Metro Manila na ang susunod na PNP chief ay itong si Lt. Gen. Jun Azurin, ang hepe ng Area Police Command-Northern Luzon.

Kaya h’wag na kayong magtaka mga kosa kung dumarami ang bisita ni Gen. Azurin sa Pampanga. Mismooooo! Kaya lang, hanggang hindi pa binuka ni BBM ang kanyang bibig, hindi pa nakasiguro itong si Gen. Azurin, di ba mga kosa? Mismooooo! Mainit pa ang sikuhan at gapangan. Dipugaaaaa!

• • • • • •

May apat na bagay na narekober kay PEMS Celedonio Caunceran Jr. na halos parehas sa suot ng isa sa suspect na umatake sa mga Customs officials sa Maynila, ayon kay Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco. Sinabi ni Gen. Francisco na sa pag-review nila ng CCTV footage sa pag-atake sa Custom official, ang gamit na motor, helmet, jacket at tsinelas ng isa sa mga attacker ay halos parehas sa suot ni Caunceran. Ano ba ‘yan?

Ang mga gamit ni Caunceran ay kasalukuyang naka-safekeeping ng mga operatiba ng MPD Forensic Unit na pinangunahan ni Lt. Col. Jojo Savares. Mismooooo! Hak hak hak!

Umiba ang ihip ng hangin. Imbes na nakasentro ang imbestigasyon sa agaw-armas ni Caunceran laban sa Customs agents ay napunta sa personal n’ya, di ba mga kosa? May itinatago kayang baho si Caunceran? Dipugaaaaa!

Nilinaw ni Gen. Francisco na kaya nila nai-preserve ang mga jacket, tsinelas, motor at helmet ni Caunceran ay para ipresenta ito sa korte kapag kinakailangan. Bahala na ang huwes na magdesisyon kung may relevance ito sa kaso, anang MPD director.

Hanggang sa ngayon, nahihilo pa ang mga imbestigador kung bakit andun si Caunceran sa Port Area, malapit sa Customs office, eh wala naman siyang coordination sa MPD kung may trabaho man siya. Si Caunceran ay naka-assign sa QCPD. Sa PNP kasi mga kosa, kapag may trabaho ka outside sa area of responsibility mo, kailangan armado ka ng proper coordination para maiwasan ang tinatawag na misencounter. Mismooooo! Hak hak hak!

Ang sad lang, di nadale sa engkuwentro si Caunceran kundi sa pang-aagaw ng armas. Kaya magpaliwanag sa korte ang mga Customs agent kung bakit paiba-iba ang trajectory ng tama ng baril, tapos may pasa pa sa kanyang katawan. He he he! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Sinabi ng mga kosa kong Marites na kaya sinita ng taga-Customs si Caunceran sa Port Area dahil sa suot niyang jacket at gamit na motor. Kasi may kopya rin ang Customs officials ng CCTV footage na pag-atake sa kanilang opisyal. Subalit kung sangkot nga si Caunceran sa pag-atake sa Customs officials bakit hindi siya nagpalit ng gamit? ‘Yan ang tanong! Kaya hayun...namarkahan tuloy siya, di ba kosang Jeff? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Pati mga kapwa niya pulis ay nahihilo sa kaso ni Caunceran. Abangan!

vuukle comment

JUN AZURIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with