^

Punto Mo

Ano ang sinasabi ng batas ukol sa ‘double sale’?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May hinala pong ibinenta rin sa ibang tao ang loteng kabibili ko lang. Sino po ba ang mas may karapatan sa lupa kung sakaling may nangyaring double sale sa property? —Jane

Dear Jane,

Nakasaad sa Article 1544 na kapag naibenta ang isang immoveable property katulad ng lupa sa magkakaibang buyer, ang pagmamay-ari nito ay mapupunta sa sinumang unang nakapagpatala ng bentahan sa Registry of Deeds, sa kondisyong ang pagpapatala ay isinagawa “in good faith”.

Kung wala naman sa kanila ang nakapagpatala ng bentahan sa Registry of Deeds, ang pagmamay-ari ng lupa ay mapupunta sa sinumang unang maka-okupa sa property, sa kondisyong ang pag-okupa ay isinagawa “in good faith”.

Kung hindi angkop ang mga nabanggit, ang pagmamay-ari ay mapupunta sa sinumang makapagpakita ng pinakamatandang titulo, sa kondisyon din na ito ay “in good faith”.

Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging  “in good faith”? Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng De Leon v. Ong (G.R. No. 170405, February 2, 2010), “in good faith” ang isang buyer kung noong binili niya ang ari-arian ay wala siyang kaalam-alam na may iba pa palang naghahabol o nang-aangkin sa kanyang binili. Dapat din na binili sa tamang presyo ang property upang matawag ang isang buyer na siya ay “in good faith.”

Kailangan din tandaan na ang lahat ng mga nabanggit ay applicable lamang sa mga aktwal na kaso ng double sale. Para masabing may double sale, kailangang (1) valid o may bisa ang dalawa o higit pang naging mga bentahan; (2) na ang dalawa o higit pang mga buyers ay may magkakasalungat na interes sa property; at (3) binili ng dalawa o higit pang mga buyers ang pinag-aagawang property mula sa iisang seller.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with