^

Punto Mo

May karapatan ba sa bonus ang mga empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari bang ireklamo ang kompanya kung tumigil na sila sa pagbibigay ng mid-year bonus? Noong isang taon po kasi ng ganitong buwan ay may bonus kami pero ngayon ay wala raw kaming matatanggap dahil lugi ang kompanya. —Mark

Dear Mark,

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Traders Royal Bank v. NLRC, (189 SCRA 274 ) ang bonus ay yung mga ibinibigay sa mga empleyado bilang karagdagan lamang sa kung ano ang dapat o karaniwan nilang natatanggap mula sa employer. Ang pagbibigay ng bonus ay isang management prerogative o nakasalalay lamang sa desisyon ng employer. Ibig sabihin, kung magpasya ang employer na hindi magbigay ng bonus sa kung anumang kadahilanan, walang magagawa ang empleyado kundi tanggapin ang desisyon na ito.

Gayunpaman, may mga pagkakataon na may karapatan ang empleyado sa bonus. Ito ay kung bahagi ng Collective Bargaining Agreement (CBA) ang pagbibigay ng bonus, kung ang bonus ay bahagi na ng sahod, o kung matagal nang nakagawian ng employer ang pagbibigay ng bonus at isa na itong ganap na company policy.

Kung ang pagbibigay ng tinutukoy mong mid-year bonus ay base sa isa sa mga nabanggit, puwedeng sabihin na may karapatan kang makatanggap nito at maaring maghain ka ng reklamo ukol sa kawalan ng mid-year bonus sa taong ito.

Kung hindi naman base sa mga nabanggit ang pagbibigay ng mid-year bonus ay wala kayong masasabing karapatan para rito at kailangan n’yo na lang tanggapin na wala kayong matatanggap na mid-year bonus ngayon dahil sa sitwasyon ng inyong kompanya.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with