^

Punto Mo

EDITORYAL - Suportahan ang mga magsasaka

Pang-masa
EDITORYAL - Suportahan ang mga magsasaka

ANG agriculture sector ang isa sa nakikitang mag-aangat ng ekonomiya ng bansa sapagkat dito nagmumula ang pagkain. Kapag hindi naalagaan ang pinagmumulan ng pagkain tiyak na babagsak ang ekonomiya. Lahat ay nanga­ngailangan ng pagkain. Ito ang unang hinahanap. Kapag walang pagkain, hindi mabubuhay ang tao. Nakadepende lagi sa pagkain ang lahat. Kaya nararapat lamang na ang maging prayoridad ay ang pagpapabuti sa pinanggagalingan ng pagkain. Nararapat na maparami ang pagkain. Ang mga mauunlad na bansa sa mundo ay nag-i-invest nang malaki para sa produksiyon ng pagkain. Kaya naman walang nagugutom sa kanila. Protektado rin ang mga magsasaka sapagkat kung wala ang mga ito, walang pagkain.

Sinabi kamakailan ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. na prayoridad ng kanyang pamahalaan ang food supply. Hangad niyang maparami o mapasagana ang pagkain sa bansa sa panahon ng kanyang termino. Noong Biyernes, naka-post sa kanyang official social media account na plano niya na magkaroon ng long-term measures sa agriculture sector para mapaunlad ito. Hangarin din niya na mabenepisyuhan ang mga local na magsasaka. Naniniwala raw siya na mapapalago at uunlad ang sector ng agrikukultura sa bansa. Ang pagpaparami ng pagkain ang isa sa mga target niya sa mga susunod na taon.

Pinakamagandang gawin ay ang proteksyunan ang mga lokal na magsasaka. Kapag nagawa ito, tiyak na ang maraming pagkain sa bansa. Huwag hayaang makapasok sa bansa ang mga imported agri products sapagkat ito ang pumapatay sa mga lokal na magsasaka. Sa kasalukuyan, dagsa ang mga gulay mula sa China—carrots, sibuyas, bawang, at kung anu-ano pa na nagiging dahilan para malugi ang mga magsasaka ng gulay.

Suportahan ang mga magsasaka upang dumami ang ani. Kapag maraming pagkain wala nang magrerebelde at mabubuhay nang matiwasay ang mga Pilipino.

vuukle comment

FARMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with