^

Punto Mo

Security sa Bureau of Customs, hinigpitan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HUMINGI ng security ang mga opisyales ng Bureau of Customs sa Manila Police District (MPD) bunga sa mga banta sa kanilang buhay. Dahil sa sunod-sunod na pag-atake sa kanilang hanay at grenade-throwing incident, hiniling ni retired Navy Capt. Paul Oandasan, ng Enforcement Division ng Customs kay MPD director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na i-secure ang paligid ng kanilang opisina.

Tinugunan naman ni Gen. Francisco ang kahilingan ng kanyang classmate sa Philippine Military Academy (PMA) at pinaigting ang checkpoint ­operations sa Customs area of jurisdiction dahil ang Metro Manila ay nasa ilalim pa ng election period. Hindi naman sinabi ni Capt. Oandasan kung anong grupo ang humahanting sa kanilang mga opisyales. Subalit iniutos ni Gen. Francisco, ang pagronda ng mobile cars at SWAT units sa Customs area para siguraduhin na ang mga opisyales nila ay hindi masalisihan ng riding-in-tandem. Mismooooo! Hak hak hak!

Nakahanda na ang taga-Customs sa anumang threat sa kanilang opisyal, at mukhang kilala na nila ang kalaban. Dipugaaaaa!

Kung sabagay, may kakayahan naman ang taga-Customs na idepensa ang kani-kanilang sarili habang patuloy nilang iniimbestigahan kung anong grupo ang sobrang galit sa kanila. Ang ilang inatake kasing opisyal ng Customs ay nasa listahan ng mga corrupt officials sa gobyerno ni President Digong.

Nilinaw ni Gen. Francisco na wala namang nai-share si Capt. Oandasan sa kanya na intelligence report na tumutukoy sa grupong galit sa kanila. Basta sa parte ng MPD, may naaresto sila sa pag-atake sa Customs official subalit hindi nito nilahad kung sino ang nag-utos sa kanya. Kaya’t kinasuhan na lang nila ang suspect, ani Gen. Francisco.

Noong election period naman, may nahuli din ang mga tauhan ni Gen. Francisco na isang SUV na may lulang armadong kalalakihan. Kinasuhan din sila ng MPD subalit walang ebidensiya ang mga imbestigador kung ang mga suspect ay kasama sa grupong tumatarget sa mga Customs officials. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Dahil mataas ang alert status ng taga-Customs, natiyempuhan nila si PEMS Celedonio Caunceran Jr., sa Port Area at kanilang inaresto. Ayon sa mga Marites, nagpumiglas si Caunceran subalit na-overpower siya ng taga-Customs. May dumating na SWAT units ng MPD na naka-motor subalit hindi sila nakialam matapos sabihin ng taga-Customs na may kaso sa kanila ang pulis-QCPD. Sa totoo lang, sinabi ng mga kosa kong imbestigador na walang karapatang mag-aresto ng kriminal itong taga-Customs maliban lang kung citizens arrest. Ang dapat lang nilang arestuhin ay ‘yaong sangkot sa isyu ng Customs.

Hindi lang ‘yan, sinabi pa ng mga kosa ko na dapat si Caunceran ay i-turnover sa mga pulis para imbestigahan kung may kinalaman s’ya sa pag-atake sa Customs officials. Subalit dinala ng taga-Customs si Caunceran sa kanilang opisina kung saan s’ya ay nang-agaw ng baril ng ahente ng Customs, na dati ding pulis. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Sa korte na lang magpaliwanag itong taga-Customs! Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with