^

Punto Mo

Pulis-QCPD, malinis sa pag-atake sa Customs officials!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Ang pamangkin ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na si alyas Noli ang binigyang karapatan para pangasiwaan ang mga ilegal sa siyudad. Kapag wala kang basbas ni Noli, lagot ka!  At itong si alyas Peter ay sagradong bata ni Noli na siyang binigyan ng green light sa pergalan. Ang lakad ni Peter ay package deal sa City Hall at PNP. Dipugaaaaa!

• • • • • •

Hindi ginamit ang kalibre 9mm at .45 na nakumpiska kay PEMS Celedonio Caunceran Jr., ang pulis-QCPD na nang-agaw ng baril ng Customs agents noong Mayo 20, sa limang insidente ng pag-atake sa opisyales ng Bureau of Customs sa Manila at southern Metro Manila.

Sa cross-matching na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP sa empty shells ng dalawang baril ni Caunceran na natagpuan sa crime scene sa pag-atake sa Customs officials ay hindi magkatugma, ayon sa report na natanggap ni Manila Police District (MPD) Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco.

Sinabi sa report na sa ambush-slay sa dalawang Customs officials sa Maynila, ang ginamit ng suspects ay kalibre 9mm, samantalang ang isa pang kaso ay grenade throwing incident. Isang Customs official ang namatay sa ambush-slay sa Maynila.

May pag-atake rin sa Customs officials sa Las Piñas City at Pasay City at ang ginamit ay kalibre 9mm pistol din. Sinabi ng mga kosa ko na hindi rin nag-match ang empty shells na nakuha sa crime scene sa baril na nabawi kay Caunceran. DIpugaaaaa! Hak hak hak! Mahirap talaga idiin itong si Caunceran sa ambush-slay ng mga Customs officials, no mga kosa? Mismooooo!

Kaya sa ngayon, ang balita ng kosa kong Marites ay hinahanap ng taga-Customs ang baril na ginamit sa pag-atake sa kanilang opisyales. Blangko din sila! Ayon naman sa ibang kosa ko, puede naman na pinalitan lang ang ibang parts ng baril para maiba ang feature o tool marks. Pag nagkaganun, maiiba ang impression ng ebidensiya o empty shells. Sa ganitong sistema, anang kosa ko, ay mahihirapan na ang kapulisan na malutas ang kaso ng patayan. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Ang dami talagang anggulo itong kasi ni Caunceran at t’yak hilong-talilong ang mga imbestigador ni Gen.Francisco. Mismooooo!

Subalit sa kasamaang palad, lalong lumabo itong kaso ni Caunceran dahil ayaw pumirma na asawa ng biktima, sa advise ng kanilang lawyer, sa dokumento para maproseso ang pag-apply ng tinatawag na Warrant to Examine Computer Data (WECD) at nang mabuksan ang celfone ni Caunceran. Malaki ang paniniwala kasi ni Gen. Francisco na may makuha silang impormasyon sa celfone na magamit nilang ebidensiya sa korte. Dahil ayaw pumirma ng asawa ng bitkima, ibang paraan na lang ang tatahakin ng MPD. Hak hak hak! itong celfone ni Caunceran talaga ang makatulong sa paglutas ng kaso n’ya, di ba kosang Jeff? Dipugaaaaa!

Kung sabagay, magaling na imbestigador itong si Gen. Francisco at marami na s’yang nalutas na malalaking kaso. Tinitiyak ni kosang Felix Vargas na makakasama itong kaso ni Caunceran sa mga achievements ni Gen. Francisco. Dipugaaaaa! KaiIangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with