^

Punto Mo

Gen. Francisco, nais ipaeksamin ang celfone ng pulis — QCPD!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HUMIHINGI ng tulong ang Manila Police District (MPD) sa korte para mapasailalim sa forensic examination ang celfone ni PEMS Celedonio Caunceran Jr., ang pulis na nang-agaw ng baril sa loob ng Bureau of Customs. Malaki ang paniwala ni MPD director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na may makukuha silang impormasyon sa celfone, tulad ng text messages, na gigiya sa kanila para malutas ang kaso ni Caunceran. Ligaw pa kasi ang mga imbestigador ni Gen. Francisco kung bakit nandun sa Port Area si Caunceran samantalang naka-assign siya sa Disrict Headquarters Security Unit (DHSU) ng Quezon City Police District (QCPD).

May kumakalat na balita na si Caunceran ay suspect sa pag-ambush-slay ng ilang Customs officials subalit iginiit ni Gen. Francisco na wala pa silang hawak na matibay na ebidensiya na magdidiin sa pulis sa mga nasabing kaso. Tumpak!

Kaya kapag nabuksan na ang celfone ni Caunceran, tinitiyak ni Gen. Francisco na makakakuha sila ng karagdagang impormasyon na makakatulong para masagot ang katanungan patungkol sa pulis. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Naging palaisipan din kay Gen. Francisco kung bakit nang-agaw ng armas ng taga-Customs si Caunceran. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Mismooooo!

Ang celfone ni Caunceran ay kasama sa mga ebidensiya na nai-turnover sa mga imbestigador ni Gen. Francisco. Subalit para mabuksan ito, kailangan ni Gen. Francisco, ang authorization ng pamilya ni Caunceran, para kumuha ng Warrant to Examine Computer Data (WECD) para mapasailalim sa forensic examination ito at magamit na ebidensiya sa korte ang mga impormasyon na laman nito.

Puwede rin na makipag-coordinate si Gen. Francisco kay Maj. Gen. Eliseo Cruz, ang director ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) ng PNP dahil sila ang may alam patungkol sa WECD sa korte. Mismooooo! Hak hak hak! May makuha kayang impormasyon ang MPD sa celfone ni Caunceran na magdidiin sa kanya sa ambush-slay ng mga Customs officials? Dipugaaaaa!

Ipinaliwanag naman ni Gen. Francisco na na-release for further investigation (RFFI) ang mga Customs personnel na sangkot sa pagpaslang kay Caunceran matapos makapagpiyansa. Si Caunceran ay namatay noong nakaraang Biyernes at kailangan ang death certificate para kasuhan ng murder ang mga suspects na taga-Customs. Hindi mai-release ng punerarya ang death certificate ni Caunceran dahil hindi pa ito naka-record sa Local Government Unit (LGUs) dahil Sabado at Linggo at walang pasok sa City Hall ng Manila.

Dahil mag-expire ang 36 hours reglamentary period para mag-file ng kaso noong nakaraang Linggo, napilitan ang MPD na ikasa ang hawak nilang ebidensiya sa duty prosecutor’s office na ang desisyon ay i-release ang taga-Customs matapos maglagak ng kaukulang bail. Ayon kay Gen. Francisco, nakakuha na ng death certificate ang pamilya ni Caunceran at isinubmit kaagad ng mga imbestigador ito sa piskalya at hinihintay nila ang magiging desisyon nito. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Masalimuot talaga itong pinasok ni Caunceran, no mga kosa? Mismooooo! Abangan!

 

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with