^

Punto Mo

May matatanggap bang separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Abril 2019 po nang magsimula ako sa kasalukuyan kong kompanya. Naging regular po ako around October 2019. Paano po ang magiging computation ng separation pay ko kung balak kong mag-resign sa darating na Hunyo 2022?—Fe

Dear Fe,

Kung ang balak mong pagre-resign ay boluntaryo ay malungkot kong ipinaaalam sa iyo na wala kang matatanggap na separation pay, bukod na lamang kung nakasaad ito sa employment contract mo, sa collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng mga empleyado at ng employer, o kung matagal na itong company practice sa inyo.

Sa ilalim kasi ng batas ay makakatanggap lamang ang empleyado ng separation pay kung siya ay natanggal sa trabaho dahil sa redundancy, retrenchment, pagsasara ng negosyo, o dahil sa malubhang sakit ng empleyado magdudulot ng panganib sa kalusugan ng kanyang mga katrabaho.

Kung mawalay sa trabaho ang empleyado sa ibang kadahilanan bukod sa mga nabanggit, katulad ng boluntaryong pagre-resign, ay wala siyang maaasahang separation pay.

Pero katulad nga ng nauna kong sinabi, ito ay puwera na lamang kung nakalagay sa employment contract, CBA, o matagal nang practice ng kompanya ang pagbibigay ng separation pay kahit sa mga boluntaryong nagbibitiw sa trabaho.

Kung ganyan ang sitwasyon mo ay mas mabuting basahin mo ang iyong kontrata, ang CBA niyong mga empleyado, o ang polisiya ng inyong kompanya upang matukoy mo ang tamang halaga ng separation pay na iyong matatanggap.

vuukle comment

SEPARATION PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with