^

Punto Mo

EDITORYAL - Ingat, nasa paligid pa ang COVID

Pang-masa
EDITORYAL - Ingat, nasa paligid pa ang COVID

HUWAG munang magrelaks at magkampante sapagkat nasa paligid pa ang COVID variants. Ito ang babala ng mga eksperto sa kalusugan. Kung patuloy na babalewalain ng mga tao ang health protocols, tiyak na dadami muli ang kaso ng COVID. Kung magiging kumpiyansa at hindi na magsusuot ng face mask at balik sa dating pagkukumpul-kumpulan, tiyak na marami ang tatamaan at mapupuno naman ang mga ospital.

Isang halimbawa ay ang nangyari sa Shanghai, China na hanggang ngayon ay naka-lockdwn pa dahil dumaming masyado ang kaso. Nagrelaks ang mamamayan doon at marami ang hindi na nagsusuot ng face mask kaya tumaas ang kaso. Hanggang sa kasalukuyan, dinadalhan na lamang ng food supply ang mga residente. Hindi sila puwedeng lumabas. Ang mga OFW sa Shanghai ay nahihirapan sapagkat hindi sila mabigyan ng ayudang pagkain.

Sinabi kamakailan ng Philippine Medical Association (PMA) na posibleng magkaroon ng lockdown ngayong tag-ulan. Sa panahong ito anila marami ang nagkakasakit. Ang problema, ayon sa PMA, hindi na madetermina kung ang sakit na tumama sa isang indibidwal ay COVID o hindi. Halos pareho rin ang sintomas ng COVID at karaniwang trangkaso. Kaya ang payo ng PMA sa publiko, sundin ang ipinatutupad na health protocols at huwag maging kumpiyansa. Huwag na raw hintayin pang magkaroon ng panibagong surge.

Walang pinipili ang COVID at kahit sino ay tatamaan. Kahit bakunado ay maaaring mahawa. Gaya ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nagpositibo sa COVID noong nakaraang linggo. Hindi nakitaan ng sintomas si Galvez. Nagpapagaling na siya sa kasalukuyan.

Nararapat ang pag-iingat lalo na ngayong may lumabas na namang subvariant ang COVID na tinawag na Omicron BA.4. Mabilis umanong makahawa ang BA.4.

Kinakailangang paigtingin ng pamahalaan ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots. Ito ang mabisang paraan para maproteksiyunan sa virus ang mamamayan.

Ipagpatuloy ng DILG ang paghanap sa mga wala pang bakuna at booster shots. Katulungin ang local government units (LGUs) para madaling maisagawa ang pagbabakuna lalo ang mga nasa liblib na lugar. Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, kailangan ang aggressive action dahil highly contagious ang bagong variant.

vuukle comment

COVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with