^

Punto Mo

9-M katao ang ­namamatay taun-taon dahil sa air pollution

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KAILANGAN na talagang lumaganap ang electric vehicles para mabawasan ang air pollution na dulot ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina at diesel. Kung lalawak ang panga­ngailangan sa mga electric car, inaasahang bababa ang  halaga nito para mas malaking bahagi ng populasyon ang makinabang dito. Kung mababawasan ang mga sasakyang pinaaandar ng gasolina, mawawala ang air pollution na nakakamatay din.

Noong nakaraang linggo, napaulat ang isang pag-aaral na nagsasaad na siyam na milyong tao sa buong mundo  ang namamatay sa loob ng isang taon dahil sa air pollution. Isinisisi ito sa mga maruming hangin mula sa mga kotse, truck, bus at sa industriya.

Ang bilang ng mga namamatay dito ay tumataas nang 55 porsiyento mula noong taong 2000.  Ang pagtaas nito ay tumaliwas naman sa maliit na bilang ng mga namamatay sa primitive indoor stove at tubig na kontaminado ng dumi ng tao at hayop. Ang pangkalahatang bilang ng mga namatay dahil sa polusyon noong 2019 ay katulad din noong 2015.

Ang naturang pag-aaral na lumabas sa journal na The Lancet Planetary Health ay nahiwatigang isinagawa bago naganap ang pandemya noong 2019. Ibinatay ang pag-aaral sa kalkulasyong hango sa Global Burden of Disease database and the Institute for Health Metrics and Evaluation sa  Seattle.

“Napakarami ang siyam na milyon na namatay,’’ sabi ni Philip Landrigan,  director ng Global Public Health Program and Global Pollution Observatory at Boston College.

Ganunman, sinabi ni Landrigan na hindi nakasaad sa death certificate ng mga biktima na polusyon ang ikinamatay ng mga ito. Nakalista lang dito ang mga sakit sa puso, stroke, lung cancer at ibang isyu sa baga at diabetes pero ang mga sakit na ito ay mahigpit na inuugnay sa polusyon nang maraming epidemiological studies.

Nabanggit naman ng Harvard professor na si Dr. Renee Salas sa ulat ng Associated Press na isang dekada na ang nakakaraan nang matukoy ng American Heart Association na ang exposure sa pollution particles na bunsod ng burning ng fossil fuel (tulad ng fuel na ginagamit sa mga sasakyan) ay nagdudulot ng sakit sa puso at humaantong sa kamatayan.  

“Habang nakatutok ang mga tao sa pagpapababa ng kanilang blood pressure at cholesterol, iilan ang kumikilala sa air pollution bilang mahalagang reseta para mapabuti ang kanilang kalusugan,” sabi ni Salas.

Nagmula sa air pollution ang three-quarter ng overall population death. “At higit sa lahat, kumbinasyon ito ng polusyon mula sa stationary sources tulad ng coal-fired power plant at still mills  at sa kabilang banda ay ng sa mobile sources tulad ng mga kotse, truck at bus. Isa itong malaking problema sa buong mundo,” sabi ni Landrigan na isa ring public health physician. Gumagrabe aniya ang sitwasyon habang umuunlad ang mga bansa at sumusulong ang mga lunsod.

Lumitaw din sa pag-aaral na, mula taon 2000, umaabot sa 2.9 milyong tao sa mundo ang namamatay bawat taon dahil sa industrial air pollution.  Pagdating ng taon 2015, tumaas ito sa 4.2 milyon at noong 2019, naging 4.5 milyon.

•••••••

Email: [email protected]

vuukle comment

AIR POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with