^

Punto Mo

Maraming problemang sasalubungin si Bongbong

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BAGSAK na ekonomiya at sandamukal na utang ng bansa ang haharapin ni president-elect Bongbong Marcos Jr. Malamang epekto ito ng nakaraang eleksiyon kung saan nagpabaha ng pera ang mga pulitiko. Maaring magdulot ng inflations, samantalang lugmok ang gross domestic product (GDP) ng bansa.

Epekto ito nang mahinang pagnenegosyo at kawalan ng trabaho sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID-19. ­Trilyones na utang sa ibang bansa ang ginamit ng gobyerno upang maipagpatuloy ang mga nakabinbing proyekto. Maging ang halaga ng medical products, kabilang ang mga hospital supplies at bakuna na inunang bigyang pansin ng Duterte administration.

Naging malaking usapin ito dahil sa laki ng halaga na ginamit sa pagbili ng medical supplies na nakopo ng Chinese businessmen na kaalyado diumano ni President Duterte. Mainit na inimbestigahan ng senado sa pamumuno ng komite  ni Sen. Dick Gordon, pero hanggang ngayon, walang matibay na konklusyon ang imbestigasyon.

Maraming pinagkagastusan ang gobyerno. Karamihan dito ay “Build, Build, Build Program” na pinangasiwaan ni DPWH Sec. Mark Villar na ngayon ay bagong halal na senador. Mara­ming hinihintay na report ang mamamayan sa pangkalahatang nagawa at nagastos ng Duterte administration, pero mukhang walang malaking problema.

Malaki rin ang naging  problema ng Department of Education dahil sa on-line study program sa kasagsagan ng pandemic. Magiging malaking hamon ito sa panunungkulan ni VP Sara Duterte bilang DepEd secretary.

Maraming nagdududa sa kakayahan ni Sara sa magiging trabaho nito sa DepEd. Pero ang pagiging abogado nito at ina ay maituturing na malaking armas sa kanyang panunungkulan.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with