^

Punto Mo

Ginger (28)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘NAKILALA ko po ang boyfriend ko isang party na inorganized ng aking classmae. Nagkakuwentuhan kami. Mabait naman po siya. Palabiro. May trabaho sa isang kilalang communication company. Nang mag-uwian na kami pagkatapos ng party ay inalok ako na ihahatid na. May kotse siya. Pumayag naman ako dahil desenteng tao.

‘‘Sumunod na araw ay tinatawagan na niya ako sa cell ko. Kinukumusta ako. Ano raw ang ginagawa ko. Kumain na raw ba ako. Napaka-maaalalahanin po niya. Nag-offer na susunduin ako rito sa opisina pero sabi ko ay huwag.

‘‘Pero mapilit kaya paglabas ko rito ay nakaabang na siya sa dinadaanan ko. Niyaya niya akong kumain at hindi naman ako makatanggi dahil mabait naman siya at magalang. Sa isang pizza parlor niya ako pinakain. Habang kumakain ay kuwento siya nang kuwento. At ako naman ay sakay na sakay sa mga ikinukuwento niya. Napakagaling niyang magkuwento.

‘‘Pagkatapos naming kumain ay ihahatid na niya ako sa bahay. Inaalok ko naman siyang pumasok sa aming bahay pero tumanggi. Sa ibang araw na lang daw.

‘‘Makalipas ang isang linggo ay nagtapat na siya ng pag-ibig. Mahal na mahal daw niya ako. Noon lang daw siya nakadama ng ganung klase ng pagmamahal. Hindi raw siya makatulog sa pag-iisip. Sabi pa, baka raw masira ang ulo niya sa kaiisip sa akin. Kaya bago raw masira ang ulo niya ay sagutin ko na siya.

‘‘Paniwalang-paniwala naman ako sa mga sinabi niya. At dahil mayroon na rin naman akong nadaramang pag-ibig sa kanya, sinagot ko na siya.

‘‘Tuwang-tuwa siya. Hindi na raw masisira ang ulo niya. Hindi na raw madadagdagan ang mga pasyente sa mental. Tawa ako nang tawa.’’

‘‘Hanggang isang gabi na niyaya niya akong maghapunan ang kasunod pala niyon ay ang pagpapaubaya ko. Pagkatapos mag-dinner, humantong kami sa pribadong silid at ipinagkaloob ko ang virginity ko.

‘‘Nasundan pa iyon. Hanggang sa mabuntis ako. At ang masakit ay nang malaman kong may asawa pala siya.’’

‘‘Nagtiwala ka agad. Isinurender mo agad ang Bataan,’’ sabi ni Anton.

Napaiyak si Marie.

Awang-awa naman si Ginger. (Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with