^

Punto Mo

Ginger (27)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nagulat si Anton sa sinabi ni Ginger na buntis si Marie­. Ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita.

Nagpatuloy naman si Ginger sa pagsasalita na halatang concerned na concerned kay Marie.

‘‘Hindi raw po niya alam ang gagawin, Sir kaya ako ang una niyang pinagsabihan. E hindi ko rin alam ang gagawin kaya nagpasya po kami—ako pala na ipaalam sa iyo at baka po may maipapayo ka?’’

Saka lamang nakapagsalita si Anton.

‘‘Problema ba kung buntis ang babae? Ang alam kong problema ay kung tinakbuhan ng lalaki ang babae makaraang buntisin.’’

‘‘Parang ganyan nga po ang nangyari kay Marie, Sir.’’

‘‘What?’’

‘‘May asawa po ang nakabuntis kay Marie, Sir. At hindi alam ni Marie kung paano ipagtatapat sa kanyang­ mga magulang ang nangyari.’’

Napatitig si Anton kay Marie. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari kay Marie na tingin naman niya ay mahinhin. Ilang taon na ring empleada sa kanilang kompanya si Marie at wala naman siyang naba­balitaang hindi maganda rito. Ang isang napapansin niya rito ay napapadalas ang pag-absent nitong mga nakaraang buwan. Baka dahil doon ang problema.

Kinausap niya nang masinsinan si Marie. Gusto niyang malaman nang buung-buo ang istorya.

‘‘Puwede mo bang ikuwento ang mga nangyari, Marie? Para mas maliwanag, dapat sa iyo magmula ang lahat.’’

‘‘Opo Sir.’’

Ikinuwento ni Marie ang mga nangyari.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with