^

Punto Mo

Ginger (23)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG naisip na solusyon ni Anton sa problema ni Ginger ay: ang ­sekretarya na si Marie ay sa opisina na rin niya pupuwesto. Magkakasama na sila ni Marie. Sa ganung paraan, hindi na paghihinalaan ng kung anu-ano si Ginger. Sabagay, noon pa man ay gusto rin ni Marie na sa opis niya pumuwesto. Katwiran ni Marie, nahihirapan na siya labas-masok kapag may papipirmahang papeles. Hindi siya pumayag dahil naaasiwa siyang may kasama sa opis.

Pero ngayon, dahil sa problema ni Ginger, payag na siyang may dalawang babaing kasama sa opis. Gagawin niya iyon para huwag nang naisin pa ni Ginger na lumabas. Kailangan niya si Ginger sa opis.

Nang pumasok siya  sa opisina nang araw na iyon, agad niyang sinabi kay Ginger ang plano.

“Dalawa na kayo ni Marie dito sa opisina ko. Hindi ka na lalabas Ginger. Siguro naman ay okey na sa iyo.’’
Napangiti si Ginger.

“Salamat po Sir. Mas mabuti pong magkasama kami rito ni Marie.’’

“Mula bukas, dito na si Marie sa loob.’’

“Matatahimik na po ang kalooban ko Sir.’’

“Hindi ka na mamumroblema?’’

“Opo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with