^

Punto Mo

Ginger (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGKAROON ng problema si Anton dahil sa sinabi ni Ginger na sa labas na lang ito ng opisina niya magtatrabaho dahil may mga naririnig sa mga kasamahan. Ayaw daw niya ng ganun kaya nagpapa-transfer. Siguro’y baka may nagpaparinig kay Ginger na may nangyayaring “milagro” kasama ang boss.

Napailing-iling si Anton. Talagang hindi nawawala ang inggitan at tsismisan sa opisina. Kahit na walang ginagawang masama ay pagtsitsimisan. Marami talagang “Maritess” kahit saang lugar—kahit sa malalaking kompanya na gaya nitong sa kanila.

Pinagmasdan ni Anton si Ginger na abala sa pagtatrabaho. Seryosong-seryoso. Ito ba ang babaing paghihinalaan na may gagawing “milagro’’ sa opisina ng boss? Nagkakamali ang mga gumagawa ng tsismis o anumang walang basehang balita. Kawawa naman si Ginger.

Ano kaya ang magandang gawin sa problema niya?

Hindi naman niya ito hahayaang magtrabaho sa labas ng opis niya. Kailangan ay narito sa loob si Ginger.

Ano ang dapat niyang gawin?

Maski nang makauwi na siya ay si Ginger pa rin ang iniisip niya. Ano ang ­mabuting gawin.

KINABUKASAN, nakaisip na siya ng paraan. Papayag na tiyak si Ginger sa naisip niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with