^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi nawawala ang karahasan kung election

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi nawawala ang karahasan kung election

SABI ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, mapayapa raw ang ginanap na election noong Lunes. Isa raw ito sa maitu­turing na pinakatahimik na election na naganap sa bansa. Maski ang Philippine National Police (PNP) ay nagsabing matiwasay ang naganap na halalan. Maayos umanong nagampanan ng PNP ang tungkulin para maging maayos ang election sa buong bansa. Ilang libong pulis ang dineploy para mapangalagaan ang election at maprotektahan ang mamamayan habang bumoboto.

Pero kahit ano pa ang sabihin, hindi rin masasabing mapayapa ang election noong Lunes dahil may mga naganap na karahasan na nag-iwan ng ilang patay.

Bago naganap ang election, may barilang naganap sa Ilocos Sur na kinasasangkutan ng mga tauhan ng tumatakbong vice mayor doon. Apat ang patay sa naganap na barilan. Sampu ang inaresto sa naganap na pamamaril.

Noong Lunes na araw ng election, limang grenade launchers ang pinasabog sa Datu Unsay, Maguindanao na ikinasugat ng siyam katao. Hindi malaman ng pulisya ang motibo ng pagpapasabog.

Noong Lunes pa rin, tatlo ang namatay sa Buluan, Maguindanao nang pagbabarilin ng mga kalalakihan habang nasa sasakyan. Nagkaroon ng kaguluhan sapagkat bigla na lamang duma­ting ang mga suspect. Sumaklolo naman ang mga pulis at hinabol ang mga salarin.

Sa Nueva Ecija, nagkasagupa ang supporters ng magkalabang pulitiko na nauwi sa barilan at may mga nasugatan. Sa kabuuan, may 15 karahasan ang nangyari sa araw ng elections.

Ang mga pribadong army ng mga pulitiko ang karaniwang dahilan ng kaguluhan sa election. Ito ang nararapat lansagin ng PNP. Hangga’t may PAGs, hindi mawawala ang karahasan sa election. Samsamin din ang mga baril.

 

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with