^

Punto Mo

Ginger (21)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO ang sasabihin mo Ginger?’’

“Puwede po bang sa labas ako magtrabaho at hindi rito sa office mo.’’

“Bakit?’’

“Kasi po parang may naririnig akong usapan na bakit ako nasa opis mo e kung tutuusin daw ay hindi naman dapat dahil may sektretarya ka na. Kaya naba-bother po ako Sir. Baka puwedeng sa labas ako kasama ni Marie.’’

Hindi makapagsalita si Anton. Seryosong-seryoso si Ginger na tila problemado sa sitwasyon. Nakuha agad niya ang ibig sabihin nito. Ayaw nitong pag-usapan siya. Ayaw nitong may isiping masama sa kanya ang mga kasamahan.

“Baka puwede po Sir e sa labas na lang ako magtatrabaho.’’

“Problemado ka ba ukol dun, Ginger?’’
“Opo. Hindi po ako sanay na may naririnig na kung anu-ano.’’

“E paano kung ayaw kong pumayag?’’

‘‘Mas maganda po sana kung sa labas ako para walang masabi. Hindi po ako sanay sa ganyang sitwasyon.’’

Napabuntung-hininga si Anton.

“Sige pag-iisipan ko. Bukas malalaman mo ang desisyon ko.’’

“Salamat po Sir.’’

Tumayo si Ginger at bumalik sa puwesto niya.

Nag-isip si Anton. Hindi malaman ang gagawin. Pero nadarama niya ang nasasaisip ni Ginger. Ayaw nitong may usap-usapang naririnig.  (Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with