^

Punto Mo

Ginger (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI malaman ni Anton kung bakit masyado siyang nagiging mapanuri at laging nagtatanong sa sarili ukol kay Ginger. Mula nang ma-hire ito ay lagi na lang kung anu-ano ang naiisip niya at laging nagtatanong sa sarili. At nga­yon, tinatanong niya sa sarili kung may boyfriend na ito.

Siguro ay dahil masyado siyang nababaitan kay Ginger. Malawak din ang pag-iisip at napapansin niya na hindi ito nagagalit o kaya’y sinusumpong ng inis.

Minsan kasi, napansin niyang pinagsasabihan ng kasamahang sekretarya na si Marie si Ginger. May mali yatang nagawa si Ginger at tila asar si Marie.

Pero cool lang si Ginger at walang sinasabi ni anuman. Hindi man lang ito kinakitaan ng pagkainis kaya o pagkayamot.

Ibang klase si Ginger at marahil ang mga katangiang ito ang nagdudulot kay Anton para hangaan ang dalaga. Bukod dun, subsob sa trabaho. Gustong tapusin lahat­ ang mga ginagawa. Katwiran kasi nito, ang matatapos ngayon ay hindi na gagawin bukas. Tapos kung tapos.

Ito siguro ang dahilan kaya aliw na aliw siya kay Ginger. Ibang klase si Ginger.

ISANG umaga, busy si Anton sa ginagawa sa laptop nang lumapit si Ginger.

‘‘May itatanong lang ako Sir.’’

“Ano ‘yun?’’

Naupo si Ginger.  (Itutuloy)

 

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with