^

Punto Mo

‘Online scam’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MALAKI ang problema ng isang lalaki. Ang malaking problema niya ay… ang maliit niyang “hinaharap”. Kaya na-excite siya nang mabasa niyang may nagbebenta ng penis enlarger sa isang online shopping site. Isa raw itong gadget na kapag itinapat sa penis ay biglang madadagdagan ang size nito. Wow, ito na ang hinahanap niyang solusyon sa kanyang maliit-na-malaking-problema. Medyo may kamahalan ang presyo, $167. Sa isip ng lalaki, okey lang, kung iyon naman ang magiging sagot sa matagal na niyang pinuproblema.

Umorder ang lalaki, sabay padala ng bayad. Lumipas ang ilang araw, dumating ang kanyang inorder na penis enlarger. Pagbukas niya sa package ay isang magnifying glass ang bumulaga sa kanya na kung bibilhin sa tindahan ay nagkakahalaga lang ito ng $10. Sabagay, may 50 percent truth sa advertisement na nabasa niya—kung itatapat niya ang magnifying glass sa kanyang penis, ito ay lalaki…kunwari, sa kanyang paningin. May kasamang instruction ang magnifying glass: Huwag gagamitin sa ilalim ng sinag ng araw, baka matusta.

Ang lalaking na-scam ay isang Malaysian na hindi ibinigay ang pangalan ng diyaryong The Star para mapangalagaan ang kanyang identity. Binigyan lang siya ng alyas na Mr. Ong. Siyempre maliit na nga, na-scam pa. Kawawa naman kung ibabandera pa ang kanyang tunay na katauhan.

Nagreklamo ang lalaki sa customer complaints bureau ng Malaysia. Ngunit sinabi ng abogado na malabong maidemanda ang nagbenta ng “penis enlarger” dahil walang proof of purchase na maiprisinta si Mr. Ong. Hindi rin nito alam ang address ng nagbenta sa kanya. Bunga ng pangyaya­ring ito, nagbabala ang mga awtoridad sa mga taong mahilig mag-shopping online na seguraduhing nakikipagtransaksiyon sa mapagkakatiwalaang online seller.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with