^

Punto Mo

EDITORYAL - Tiyak na benepisyo sa healthcare workers

Pang-masa
EDITORYAL - Tiyak na benepisyo sa healthcare workers

Sa wakas, aprubado na ang Republic Act 11712 (Public Health Emergency Benefits and ­Allowances for Healthcare Workers Act). Sa ilalim ng batas, mapagkakalooban na nang tuluy-tuloy na benepisyo ang mga public at private health workers sa panahon ng COVID-19 at sa mga maaari pang mangyaring public health emergencies sa hinaharap. Sakop ng batas ang lahat ng healthcare workers (HCWs) anuman ang ­employment status nito.

Nakasaad sa batas, lahat ng healthcare and non-healthcare workers ay makatatanggap ng health emergency allowance sa bawat buwan ng kanilang serbisyo sa panahon ng pandemya tulad ng COVID-19 depende sa risk exposure categorization: P3,000 para sa mga nagtatrabaho sa low-risk areas; P6,000 sa “minimum risk areas; at P9,000 sa “high-risk areas. Nakasaad din sa batas na kung namatay ang HCWs sa COVID-19 habang gumaganap ng tungkulin, makatatanggap ng P1 million ang kanyang mga naulila. Ang mga nagkasakit nang malubha o severe ay makatatanggap ng P100,000 at P15,000 para sa mga mild o moderate cases.

Hindi na kailangan pang magprotesta ang HCWs para lamang ipanawagan na ibigay ang kanilang ­allowances at mga benepisyo. Dahil isa nang batas, tatanggapin na nila nang walang kuskos-balungos ang lahat nang benepisyo habang may pandemya o anumang sakit na daraan sa hinaharap.

Sana nga sa pagkakasabatas ng RA 11712, wala nang magra-rally para ibigay ang kanilang hazard pays at special risk allowance (SRA) gaya nang nangyari noong Setyembre 2021 na sunud-sunod ang protesta ng HCWs, Hindi ipinagkakaloob ang SRA at benepisyong umabot sa P11 bilyon.

Bukod sa protesta, nagkaroon din ng exodus ang health care workers noong nakaraang taon. Mara­ming nag-abroad—karamihan ay nurses sapagkat mas malaki ang suweldo—halos triple nang sinasahod sa bansa. Ayon sa report, may nurses sa private hospital na sumasahod lamang ng P8,000.

Napapanahon ang pagkakasabatas ng RA 11712 at sana wala nang mga problemang sumapit pa sa mga “bayani” na inialay ang sarili sa panahon ng pandemya. Tamang-tama ang RA 11712 para sa pagkalinga sa HCWs.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with