^

Punto Mo

Kontrobersiya sa pulitika, malala na!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MASALIMUOT na nga ang usapin sa pulitika dahil sa bangayan ng kampo ng presidentiables, sinapian pa ng dumaragsang celebrities na animo’y mga henyo sa pulitika. Kontrobersiyal ngayon sina Kim Chiu at AiAi delas Alas, di ba Tekla?

Dumagdag pa sa kontrobersiya ang pagbawi ni confessed drug pusher Kerwin Espinosa sa pagdidiin kay Sen. Leila de Lima. Napatay din sa kulungan ang ama ni Kerwin na si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa na diumano’y bigtime drug pusher.

Sa senate inquiries, sinabi ni Kerwin na tumanggap ng pera si De Lima sa papamagitan ni Ronnie Dayan. Si Dayan ay close-in bodyguard at lover diumano nang noo’y Secretary of Justice pang si De Lima.

Sinabi ni Kerwin na pinilit lamang siya at tinakot kaya isinabit si De Lima na mahigpit na kritiko ni  Pres. Digong Duterte kahit noong mayor pa ito. Credible naman kaya ang salaysay ni Kerwin ngayon?

Bumaliktad na rin si dating Bureau of Corrections ­(BuCor) OIC Rafael Ragos na nagsabi noon na nagdedeliber siya ng pera sa bahay ni De Lima mula sa mga miyembro ng drug syndicate sa NBP. Ayon kay Ragos, pinilit lamang siya ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre para tumestigo kay De Lima.

Kung ano man ang nagtulak kina Kerwin at Ragos para bumaliktad ay Diyos lamang ang nakaaalam. May bahid pulitika kaya? Abangan natin.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with