^

Punto Mo

EDITORYAL - Problema sa illegal drugs, lalong tumindi at lumala

Pang-masa
EDITORYAL - Problema sa illegal drugs, lalong tumindi at lumala

HINDI malilimutan ang campaign promise ni President Duterte noong 2016 na lulutasin niya ang problema sa ilegal na droga. Ipinangako niya na anim na buwan lang at malulutas ang drug problem sa bansa.
Ang pangako niya sa droga ang isa sa dahilan kung bakit siya nanalo sa presidency. Uhaw na uhaw ang taumbayan sa presidente na may tapang na harapin ang problema sa illegal drugs. Tanging si Duterte ang nangako ng ganito kaikling panahon at naging epektibo sapagkat nanalo siyang presidente—landslide.

Isang buwan makaraang makapanumpa, pinakawalan ni Duterte ang mga tutugis sa drug pushers at users. Umarangkada ang “Oplan Tokhang” na pinamunuan ng noon ay PNP chief na si Ronald “Bato” de la Rosa na ngayon ay senador na. Salakay dito salakay doon ang ginawa ng mga tauhan ni Bato sa squatters area at pinagdadampot ang mga “tulak” at adik. Mayroon daw mga lumaban kaya binaril. Ang mga ayaw sumuko, sapilitang dinala ng mga pulis para imbestigahan. Pati mga tinedyer na vendor, dinampot dahil tulak daw ng droga. Ang vendor na si Kian delos Santos, 16, ng Caloocan City, binaril ng dalawang pulis at napatay. Pusher daw ito at lumaban. Mayroon ding mag-ama sa Pasay na pinagbabaril ng mga pulis dahil lumaban din.

Daming napatay sa war on drugs ng Duterte administration. Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot na sa 6,241 ang mga napatay sa kampanya sa ilegal na droga mula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 31, 2022. Ngayong 2022, 16 na drug suspect ang napatay sa drug operations. Pero sa kabila na marami na ang napatay at naaresto, patuloy ang pagkalat ng droga. Sa halip na mabawasan, lalo pang dumami ang droga, particular ang shabu. Lalo pang tumindi ang problema sa ilegal na droga.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni President Duterte na nagkamali siya nang ipangako na lulutasin ang droga sa loob ng anim na buwan. Malaki raw pala ang problema sa droga sapagkat may mga police generals na sangkot.

Nagkamali talaga ang presidente sapagkat “maliliit na pushers” ang nahuli ng kapulisan. Walang miyembro nang malalaking sindikato ang naaresto o napatay. Ang mga tinukoy niyang Chinese na nasa likod ng droga ay wala na rin. Nasaan na ang mga ito?

Aalis na si President Duterte sa puwesto pero ang ­pangakong lulutasin ang droga ay hindi natupad. Lalo pang lumala ang problema.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with