^

Punto Mo

118-anyos na madre pinakamatandang tao sa mundo

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAKALULUNGKOT na noong Nob. 22,  2021, pumanaw na sa edad na 124 anyos ang itinuturing noon na pinakamatandang tao sa Pilipinas na si Francisca Susano ng Kabankalan, Negros Oriental. Hindi na naberipika ng Guinness World Records ang mga dokumento ni Susano para maideklara na pinakamatandang tao sa mundo noong nabubuhay pa siya.  Isinilang siya sa noong Set. 11, 1897.

Marami na rin namang mga centenarian na Pilipino dito sa Pilipinas at hindi malayong meron na ring mga Pinoy na naninirahan sa iba’t ibang panig ng mundo na nasa edad nang mahigit 100 taon.  Pero, hanggang sa kasalukuyan, wala pang centenarian na Pinoy na naidedeklarang pinakamatandang tao sa buong Daigdig. Maaaring tama o maaari may mali o  depekto o kahinaan sa pagtutukoy ng Guinness sa itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo dahil posibleng hindi na nakakarating sa kanilang kaalaman ang mga supercentenarian o yung higit sa 120-anyos ang edad na nakatira sa ibang bahagi ng ating planeta.

Gayunman, hindi naman permanente ang titulo nang pinakamatandang tao sa mundo. Kapag namatay ang itinuturing pang nabubuhay pang pinakamatandang tao, tiyak na papalit sa kanya ang sumusunod sa kanyang edad. Marami nang supercentenarian ang humawak ng koronang ito.

Sa ngayon, isang madre ang itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo—si Sister Andre, 118-anyos. Noong nakaraang buwan, namatay ang dating humahawak ng titulo nito na si Kane Tanaka, 119-anyos.

Isinilang noong Pebrero 11, 1904 si Sister Andre (Lucille Randon) na pangatlong ­pinakamatandang Pranses at pangatlong pinakamatandang European person na nabubuhay. Sinabi ng Guinness kamakailan, ang paggawad ng titulo sa madre ay hindi lang bilang pinakamatandang tao na nabubuhay kundi siya rin ang pinakamatandang babae at siya rin ang nabubuhay na pinakamatandang madreng Katoliko. Kasalukuyan siyang naninirahan sa isang retirement home sa France.

Hawak din ni Sister Andre ang rekord bilang pinakamatandang COVID-19 survivor sa mundo. Nahawahan siya ng virus noong Enero 2021. Nalampasan na rin niya ang  Spanish flu pandemic noong 1918.

Bahagya nang mahina ang kanyang pandinig at gumagamit na ng wheelchair pero lagi niyang inaabala ang kanyang isip sa iba’t ibang maliliit na bagay.

Kahit sa napakatanda niyang edad, mahilig pa rin siyang kumain ng mga matatamis tulad ng chocolate at araw-araw na umiinom ng alak.

“Her glass of wine maintains her and which is perhaps her longevity secret,” sabi ng isang staff member ng  nun’s care home. “I don’t know — I don’t encourage people to drink a glass of wine every day!”

• • • • • •

Email: [email protected]

vuukle comment

AGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with