^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag pahirapan ang mga pasahero

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag pahirapan ang mga pasahero

ANG window hour scheme na ipinatutupad ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ay nagpapahirap sa halip na magpagaan sa mga pasahero ng bus na biyaheng probinsiya. Sa ilalim ng window hour scheme, magagamit lamang ng mga provincial buses ang kanilang terminal sa Metro Manila mula 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. Habang hindi sila puwedeng magtungo sa kani-kanilang terminal, mananatili sila sa mga itinakdang terminal. Sa mga bus na galing Bicol, Mimaropa at Calabarzon, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sila hihimpil. Sa mga bus naman na galing sa Northern Luzon sa North Luzon Express Terminal (NLET) sila hihimpil.

Dahil sa ipinatupad na polisiya nilimitahan ng provincial buses ang kanilang biyahe noong Abril 20 na naging dahilan para ma-stranded ang maraming pasahero. Karamihan ay sa terminal na natulog. Pinakaraming na-stranded na pasahero sa Pampanga terminals patungong Maynila.
Marami rin ang na-stranded sa mga terminal sa Cubao, Quezon City na pauwi naman ng probinsiya. Kawawa ang mga bata na ang iba pa ay halatang pagod at nagugutom. Ang iba ay maraming bitbit na bag at iba pang bagahe. Bakas sa kanilang mukha ang pagkadismaya habang naghihintay sa parating na bus pero wala naman palang darating dahil sa paglimita ng biyahe. Ang ibang napagod sa paghihintay, pinatulan na ang mga kolorum na van para lamang makauwi. Kahit mahal ang pamasahe, pumayag na. Ang walang pera, nanati­ling naghintay na may darating pang bus. Pero namuti ang kanilang mga mata.

Nagtuturuan naman ngayon  ang LTFRB at MMDA sa nangyari. Nagbanta ang LTFRB na kakasuhan ng sabotage ang anim na bus companies dahil sa hindi pagbiyahe ng mga ito na naging dahilan ng pagka-stranded ng mga pasahero.

Sa halip mapagaan, nahirapan ang mga pasahero. Palipat-lipat sila ng sasakyang bus bago makarating sa destinasyon. Nakakaawa ang kanilang kalagayan. Subukin kaya ng mga opisyal ng LTFRB, MMDA at maski ng DoTr Secretary na mag-commute para madama nila ang hirap. Gumawa sana nang maayos na paraan ukol dito para hindi mahirapan ang commuters. Isaayos ng mga opisyal ang sistema. Ang kapakanan ng mga kawawang pasahero o publiko ang kanilang isaalang-alang.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with