^

Punto Mo

EDITORYAL - Magiging maburak na naman ang Boracay

Pang-masa
EDITORYAL - Magiging maburak na naman ang Boracay

MARAMING turista ang nagtungo sa Boracay noong Semana Santa. Lumampas sa itinakdang kapasidad na 19,000. Sa report ng Malay Tourism ­Office sa Department of Tourism, 21,252 ang bumisita sa Boracay noong Huwebes Santo at 22,519 noong Biyernes Santo.

Dahil sa paglampas sa kapasidad, binalaan ni ­Tourism Sec. Berna Romulo Puyat ang local government ng Malay, Aklan. Ayon kay Romulo Puyat, ang DILG na ang mag-iisyu ng warning sa Malay LGU.

Isa sa pinangangambahan ngayon ay ang pagtaas muli ng COVID-19 cases dahil sa pagdagsa ng mga turista sa island resort. Bagama’t pawang mga bakunado ang pinapasok sa Boracay, naghahatid ng pangamba ang sobrang tao. Nagbabala ang World Health Organization (WHO) kamakailan na posibleng sa katapusan ng Mayo ay magkakaroon ng surge dahil sa pagdagsa ng mga tao sa probinsiya noong Mahal na Araw at idagdag pa ang kampanya ng mga kandidato para sa May 9 elections. Paalala ng WHO, ipatupad ang heatlth protocols.

Bukod sa posibleng pagkalat ng virus, ang pagkasira rin naman ng Boracay ay isa rin sa pinangangambahan. Kung hindi mapipigil ang dagsa ng tao roon, muling babalik ang maruming Boracay na tinawag noon ni President Duterte na “cesspool”. Ipinasara ng presidente ang Boracay noong 2018 sa loob ng anim na buwan.

Maraming establisimento sa Boracay ang lumabag sa environmental laws. Sa 562 establisimento na ininspeksyon ng DENR, 161 ang lumalabag. Ang mga ito ay walang water waste treatment facility kaya ang dumi ng tao ay derektang iniluluwa sa dagat. Lahat nang klase ng dumi mula sa resort ay itinatapon sa dagat. Pati ang mga basura sa paligid ng resort ay nagkalat din kaya sinampahan na ang mga establisimento nang paglabag sa Clean Water Act at Clean Air Act.

Ngayon dahil sa hindi na namang mapigilan na pagdagsa ng tao, asahan na tatawagin na namang “cesspool” ang Boracay. Pagpaliwanagin ang LGU ng Malay kung bakit hindi ipinasusunod ang tamang kapasidad.

Hindi lamang pagdami ng COVID ang pinanga­ngambahan ngayon sa pagdagsa ng mga turista kundi ang dumi na iiwan sa Boracay. Sana sumunod ang Malay LGU sa mga alituntunin upang maiwasan ang pagkasira ng Boracay. Huwag hayaang maging maburak muli.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with