^

Punto Mo

Umiwas sa ­silat, kilatisin ang ibobotong party-list!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MADALAS ikinakabit sa malalakas na political party at popular na kandidato ang mga party-list ­representation na pagpipilian sa May 9, 2022 elections. Ang hindi malinaw sa mga botante ay kung sino ang mga nominees na uupo bilang congressman kapag nanalo ito. Ingat po at baka may lahi rin silang mambabakaw. He-he!

May mga pamilya ng pulitiko na sagad na sa kadupa­ngan. Bukod sa paghahari sa pulitika sa nasasakupan nila, nagbuo pa ng party-list upang makakopo ng puwesto sa kongreso ang kadugo. Isinasabay na nila sa kampanya nila ang party-list sa paraang  buy one-take one. Unli-gaya! O ‘di ba?

May mga party-list naman na lehitimong kumakatawan sa mga nakakaligtaang grupo ng lipunan pero madalas, personal muna silang nakikinabang bago maihatid ang serbisyo sa mga nangangailangan. Drowing lang ang sensiridad dahil bistado na salat talaga sila sa dignidad, pwee!

Mas delikadong tangkilikin ang mga party-list na iniindorso ng mga popular na kandidato. Malamang na magiging kakutsaba nila ang mauupong nominees na uugit ng mga batas na papabor sa kagustuhan ng kanilang financiers na karamiha’y negosyante at gambling operators. Ayos di ba?

Ang kongreso ay sagradong bahagi ng gobyerno kaya hindi dapat naghahalal ng mga hangal. Nakasalalay sa inuugit nilang batas ang kinabukasan ng bayan. May mga party-list congressman na nagiging chairman pa ng mga mahahalagang komite na malayo naman sa layunin ng kanilang kinakatawan. Ang malinaw lang ay umaanib sila sa majority block sa kongreso na nag-aatado ng masabaw na komite. At kaya nakakaparte naman sila ng mas malaki at malaman sa inaatadong “pork barrels”.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with